Hinatid niya ako sa tapat ng unit ko. Nasa likuran ko siya habang nilalagay ko ang password ko. Nang tumunog na ito ay hinarap ko siya at nginitian. "Uh... thanks for today. Sorry, I took too much of your time na dapat eh sa thesis mo nilalaan." "Do not worry. I'm almost done. How about you? You don't have quiz tomorrow?" Tanong niya. Umiling ako. Tumango siya nang tumunog ang phone niya. Kinapa niya ang bulsa niya at may binasa doon. Seryoso ang mukha niyang binalik iyon sa kanyang bulsa. "Sino 'yon?" I tried asking. Actually, this is the first time na nagtanong ako. Dati kasi, wala naman akong pakialam at duda sa kung sinuman ang nakakasalamuha niya. With his ex coming ba

