Kabanata 29 "Why you're not answering my goddamn calls!? I'm worried! Tumawag si dani sakin na di kadaw nya nacontact kagabi." Pagod kong tinignan si Kuya Uno. Halos sumabog na ang ulo nya sa sobrang pula at bakas pa dito ang iritasyon. I sighed. "Patay yung cellphone ko.." "Where did you go last night? and who's with you huh?" Medyo makabuluhang sabi ni Kuya. Hindi ko siya sinagot muna at inisip kung ano nga ba ang sasagutin ko. Kasama si Austin? na hinila ako bigla para isakay sa kotse nya? "M-mag isa lang akong umuwi. Hindi ko mahanap si... si Tessa kaya umuwi nako pagod rin ako sa flight, Kuya syempre sumama ako baka magtampo si D-dani.... K-kaya umuwi ako." Kumunot ang nuo ni kuya dahil sa sinabi ko. Hindi ko alam kung mag papakagat ba siya dito dahil medyo nauutal pa ako.

