Kabanata 18 Bawat araw na dumadaan ay hindi ko maitago ang nararamdaman kong saya. Ilang araw narin ang lumipas simula nung mag tapat kami sa isa't isa. Iba na ang pakikitungo nya at parati na kaming nagkikita patago, dahil alam ko namang kung malalaman ito ni kuya o ng sino man ay baka kung anong mangyari. pero hindi ko alam, may side sa akin nagsasabi na wag ko munang seryosohin ang ganitong bagay at may parteng itong ito na ang pagkakataon ko. "What are you thinking?" Nakiliti ako dahil sa init na hatid ng kanyang hininga ng magsalita ito sa aking gilid. Nilingon ko siya at ngumiti. "Aren't you tired? We can go home now.." Umiling siya at pumikit nakapahinga lang ang kanyang ulo sa aking balikat. Napangiti ako ng makita ang mahahaba nyang pilikmata at nakanguso nyang labi he

