JOHN'S POV "Sir, maya maya ay darating na po 'yung assistant ni Mr. Grande para papirmahan 'yung mga dokumento na tungkol sa bagong hotel na itatayo sa Boracay." paalala ng aking secretary. "Okay," tamad kong sagot. Med'yo inaantok pa kasi ako ngayon dahil naparami kami ng inom kagabi ng aking pinsan na si Vladimir. Ang totoo niyan ay nagkaroon ako ng lihim na galit sa aking pinsan noong nasa Bicol pa ako matapos kong maaktuhan na kahalikan niya ang babaeng nagugustuhan ko noon. Ngunit napag-isip isip ko na walang kasalanan ang pinsan ko. Kasalanan iyon ng malanding babae na 'yon dahil pinagsabay niya kami. Although, walang alam si Vladimir na nakita ko sila nang magkapatong habang naghahalikan. Pinili ko na lang kasing bumalik na lamang sa Maynila kesa magwala. Oo, nasaktan ako no'n p

