Ayla's POV
Isang buwan na lamang at lilipat na ako sa Maynila. Huling buwan ko na ngayon dito sa Bicol bilang isang receptionist sa hotel at talagang ma-mimiss ko ang trabaho ko rito. Eto kasing amo namin, ako pa ang napiling ilipat sa Maynila.
Nakakalungkot lang dahil napamahal na ako sa trabaho ko rito at sa mga katrabaho ko na naging kaibigan ko na rin. Marami na kaming pinagsamahan at tiyak kong mahihirapan akong umalis nito kapag malapit na ang nga huling araw ko rito sa Bicol.
Napagpasyahan namin na lumabas at uminom ng aking mga kaibigan. Parang pa-farewell party na rin daw nila sa 'kin. Actually next month pa talaga ang pa-farewell party sa 'kin ni sir Vlad pero itong dalawang bff ko rito ay sadyang makukulit. Mag-girls night out daw kami para makapag-bonding at makapag-boys hunting na rin.
"Ayla!" tawag nila sa akin habang kausap ko ang isang lalaking kakikilala ko pa lang ngayon. Si Mr. John.
Hindi ko alam kung nakita ba nila kami na halos magkadikitan na ang mga katawan. Baka kako kung ano ang isipin nila na ginagawa namin kaya sa sobrang hiya ko ay iniwan ko na lamang doon si John at dali-dali akong lumapit sa mga kaibigan ko.
"Ayla, Ikaw, ha! hindi mo man lang kami inintay. Sino ba 'yung cute na 'yon?" panunukso sa 'kin ni Sheena habang kinikiliti ang aking tagiliran.
"Ano ba kayo? kararating ko lang din saka hindi ko kilala 'yung lalaki na 'yon. Ngayon ko lang siya nakita," Naiiritang paliwanag ko sabay irap sa kanila.
"Ayy, bakit may paghawak pa sa bewang mo?" pagsisita sa 'kin ni Nadine.
"A-ahh, ehh... ewan! Naku, Kayo talaga. Tara na nga! Humanap na tayo ng daks." pag-uuto ko sa kanila. Yes. Hindi kami yung tipikal na dalagang Pilipina dahil lahat kami ay may mga karanasan na sa kama. Kagaya ko, naghahanap na talaga ako ng lalaking magmamahal sa akin at magpupuno ng mga pangangailangan ko bilang babae.
"Oh sige, humanap na kayo ng p'westo at ako na ang oorder." utos sa amin ni Sheena.
Agad naman kaming nakahanap ni Nadine ng pwesto. Dito sa second floor namin napiling maupo para walang gaano'ng tao at hindi masyadong masakit sa tenga ang tugtog.
Maya maya pa ay dumating na si Sheena kasunod ang Waiter at ang mga inorder nito.
"Cheers!" sabay-sabay naming nilagok ang first shot ng tequilla.
Napangiwi ako sa unang shot.
"Taste good, ha." sabay kurot sa asin at sipsip ng lemon ni Sheena.
"Wohooh!Ang init sa pakiramdam. Cheers!" another shot galing kay nadine.
"Grabe, Ang sarap maglasing. Cheeers again! wohoooo!" nilagyan ko ulit ang baso nila. "Shot lang nang shot mga mars!" sabay tagay ulit.
"Waiter! Isang bote pa ng tequilla!" hirit muli ni Sheena sa Waiter.
"Tara! Sheena at Ayla, Sayaw tayo sa baba!" pag-aya sa 'min ni Nadine kaya wala na kaming nagawa kun 'di ang sumama.
Pumunta agad 'yung dalawa sa gitna ng dance floor at agad naman itong napaligiran ng mga lalaki. Sexy dance ang sinasayaw nila at makikita mo sa dalawa na enjoy na enjoy sa paggiling.
Pumunta naman ako ng restroom para umihi at para na rin makapag-retouch ng sarili. Nang makuntento ko sa aking itsura ay lumabas na rin ako ng cr.
Nagulat ako ng biglang may humila sa kamay ko at isinandal ako sa pader.
"John?" gulat na sambit ko sa pangalan niya. Siya yung lalaking nakipagkilala sa 'kin kanina. Bigla niyang inilapit ang mukha sa akin kaya napapikit ako. Akala ko kasi ay hahalikan niya ko.
"You're so beautiful," bulong sa 'kin ni John sabay ngiti. "See you tomorrow, Goodbye, Ayla!" Nagulat ako nang bigla niya akong hinalikan sa pisngi. Sobrang bilis ng pangyayari at hindi na ako nakaangat pa. Bigla na lang siyang umalis at iniwanan akong tulala dahil sa ginawa niya.
Gosh! Bakit parang may kung ano akong naramdaman no'ng halikan niya ako? Siguro dala na rin ng alak kaya ganitong kaiinit ang nararamdam ko.
Bumalik na 'ko sa table namin at sakto naroon na rin pala ang dalawa kong kaibigan.
"Saan ka ba nagpunta? Ang tagal mo naman," nakakalokong tanong sa 'kin ni sheena sabay abot sa 'kin ng baso na may lamang alak. Hindi namin napapansin ang oras at patuloy lang kami sa pag-inom.
Maya maya pa ay napagpasyahan na namin na umuwi. Malapit lang sa resort ang aming tinutuluyang apartment kaya naka-uwi naman kami kaagad.
Kinabukasan...
Maaga ko gumising para igayak ang aking susuotin. Alas-otso ang pasok ko sa trabaho kaya dapat ay 7:30 palang ay nakagayak na ako. Dahil maaga kong nagising, marami pa akong time para ayusan ang sarili ko. Inumpisahan ko sa pag-blower ng aking buhok at sumunod naman ang pag-apply ng make-up.
Nang makutento ako sa aking itsura ay lumakad na ko papuntang hotel. Excited ako ngayong araw magtrabaho. Ewan ko ba, siguro dahil may inspiration ako.
Sa hallway, nakasalubong ko si Sir Vlad. Nakapormal itong suot pakiwari ko ay aattend ng business meeting. Ang guwapo niya sa suot niyang amerikana.
"Hi, Sir Vlad!" pagbati ko sa kanya na may halong pag-papacute. Ang kiri mo talaga self.
"Ohh, Ayla, Good morning! You look so beautiful today.l," tinapik niya ang balikat ko sabay kindat.
"Thank you, Sir! Ikaw rin ang pogi mo ngayon. Bagay sayo yang suot mo lalo kang naging hot, (sa paningin ko)" Bulong ko sa isipan ko habang hinihila ang skirt ko pababa.
Nakatingin kasi si sir Vlad sa legs ko. Okay lang naman kasi crush ko naman siya at saka sweet sa akin si Sir. kala ko nga may gusto sa sa 'kin pero inalis ko na sa isipan ko 'yon matapos niya akong sabihan na ililipat sa Maynila. Ano kaya 'yun?
Habang naglalandian kami este nagkwekwentuhan ni sir Vlad, isang pamilyar na bulto ang nakita kong papunta sa direksyong kinatatayuan namin. Si John! Nakasuot din ito ng amerikana at wait... Magkakilala sila ni Sir Vlad?
"Good morning! " bati nito sa amin. Or should i say bati n'ya lang kay Sir Vlad. Doon lang kasi siya nakatingin.
"Hi, John! Good morning," bati pabalik ni sir Vlad sabay nag-shakehands sila. So kumpirma ko na nga'ng magkakilala sila.
"Let's go!" pag-aya ni John kay Sir Vlad. Hindi man lang ako nagawang tapunan ng tingin.
Sabagay ano bang aasahan ko, e, lasing itong si John nu'ng nagkakilala kami malamang hindi niya ako matandaan. Nagpaalam na rin ako kay sir Vlad na pupunta na ako sa reception area.
"Sir, pasok na po ako," ngumiti ako sa kaniya at ganoon din naman siya sa 'kin.
Mag-aalas tres na ng hapon ng makabalik sila sir Vlad galing sa meeting. Binati niya ako ngunit mabilis lang akong nilapagsan samantalang si John ay pasimpleng may inabot na kapirasong papel sa akin.
19th floor VIP ROOM
6pm.
"Teka ano 'tong nakasulat dito? Ibig niya bang pumunta ako sa room niya?" Nakakaloka!
Mabilis lumipas ang oras at uwian na. 5pm ang out ko at may isang oras pa ako para mag-prepare ng aking sarili sakaling maisipan kong puntahan si john. "Talaga ba self? Need pa ba talaga mag-prepare, eh p'wede ka naman pumunta 'dun ng naka-uniform." Sabi ko sa aking sarili. Hindi ko alam kung para saan ang imbitasyon niyang iyon sa akin or kung ano ang kailangan niya sa akin. Ngayon lang ako nakatanggap ng ganitong paanyaya kaya hindi ko talaga alam ang gagawin namin.
Habang naglalakad ako palabas ng hotel ay nakasalubong ko ang guwapo kong boss. Binati ako nito at nagpaalam na 2 days siyang mawawala dahil may meeting siya sa Bulacan.
"Are you free tonight?" tanong ni Sir Vlad sa 'kin. Di naman ako nakasagot agad kasi nga nandoon yung iniisip kong pumunta kay John.
"I'm sorry, sir. pero---" hindi pa man ako natatapos magsalita, bigla na niya akong hinila palabas. Wala na 'kong nagawa kun 'di ang sumama.
"Magugustuhan mo kung saan tayo pupunta. I'm sure mag-eenjoy ka,"
Minsan napapaisip na talaga ko kay Sir kung may gusto ba siya sa 'kin. Napakabait kasi niya sa akin at saka lately ay madalas n'ya akong yayain para lumabas. Kaso pihikan 'tong boss ka na 'to, malabong magkagusto sa 'kin nito. Iniisip ko na lang na suhol ito, ililipat na n'ya kasi ako.
Just Like what we always do, kumain kami sa isang mamahaling restaurant. Marami siyang pagkain na inorder para sa akin at halos hindi na kami nakapagkwentuhan ng maayos dahil sa sobra akong nag-enjoy sa pagkain. Hindi ko tinatawag na date ito dahil alam kong pampalubag loob lang ang mga ito.
Alas otso ng gabi nang ako'y maka-uwi samin. Oh my, Late na ako! Baka inaantay na ako ni John.
Dali-dali akong naglinis ng katawan at nagpalit ng damit. Napili kong magsuot ng highwaist short at black croptop blouse. Nagsuot na rin ako ng cardigan para 'di masyadong sexy ang datingan. Naglagay na rin ako ng konting make up para....
Hindi ko alam kung ano ba 'tong nararamdaman ko. Excited ako sa kung anong gagawin namin mamaya.