VLADIMIR'S POV "Ayla, we're here! Wake up!" mukhang napagod si Ayla sa biyahe kaya ang hirap nitong gisingin. Kaya naman hinayaan ko na lang itong matulog muna. Nalungkot ako nang hindi siya sumagot nang sabihin ko na liligawan ko siya. Mukhang mali yata ako ng timing nang pagtatapat sa kan'ya. Tiyak na naguguluhan lang siya kaya naman wala akong balak na madaliin siya. Habang pinagmamasdan ko ang maamong mukha ni Ayla habang natutulog ay hindi ko mapigilan ang sarili ko na haplusin ang napaka ganda niyang mukha. "Please! Let me love you, Ayla." bulong ko sa kaniya habang hinahaplos ang kaniyang labi. Sobrang pula kasi ng mga ito kaya naman naaakit akong halikan ang mga 'yon. "f**k!" Agad akong napaatras nang bigla siyang gumalaw. Mukhang gising na siya kaya naman naantala ang pag

