Nagulat si Jas sa ginawa ni Li, nasa taynga na nito ang ang kanyang cellphone. “Alam mo na ang mangyayari Jasmine,” salitang umabot sa pandinig ni Li bago nawala ang nasa kabilang linya. “Who is he?” tiimbagang si Li na ibinalik ang cellphone sa dalaga. Hindi agad makapagsalita si Jas, nakikita niya ang galit na mukha ni Li. “Wa-wala yun, nanloloko lang yun,” nauutal niyang sagot. “You’re not telling the truth Jas,” wika ni Li. Wala na ang lambing sa tinig nito, “Hindi tayo uuwi sa inyo unless you tell me the truth. I think we need to talk.” Kinabig nito ang manibela at iniba ang direksiyon ng sasakyan. Hindi na kumibo si Li at patuloy sa pagmamaneho. Hindi rin alam ni Jas kung paano sisimulan uli ang pag-uusap nilang dalawa. Pinili na lamang niyang manahimik. Ipinarada ni Li ang sa

