Hinilot hilot niya ang batok habang hinihintay na maiserve ang order niyang pagkain. Katatapos lang ng shift niya at dumeretso na siya sa restaurant na yun dahil gutom na gutom siya. Hindi naman pwedeng isama niya si Ashton dahil hindi pa tapos ang shift ng binata. Ang naging routine lang naman ng buhay niya pagkagraduate ay kumuha siya ng board exam, pagkatapos makapasa ay natanggap siya sa trabaho. Doon na nagsimula ang pag-ikot ng buhay niya, hospital at bahay. Pagkatapos ng shift ay kakain sa labas bago umuwi. Kasama ang mga pasyente niya siya masaya maliban sa kaibigan at ina niya, sa maraming ugat ng rosas ay isa ang pasyente niya doon. Naging sila ang distraction niya para makalimutan niya saglit ang sakit. At alam niyang natulungan nila ang kalungkutan niya. Umayos na siya ng upo

