Sa isang government library siya dinala ng paa niya. Tahimik kase doon at walang makakapansin sa kanya kahit na umiyak siya at matulog sa sulok. Nakasubsob siya sa mga braso niya habang umiiyak. Hindi pa rin kase nawawala ang sakit na nararamdaman niya sa inasta at pangpapahiya ng binata sa kanya. She feels so humiliated, ang gusto lang naman niya ay kilalanin pa ng mabuti ang lalaki. Yumugyog ang balikat niya ng maramdman uli ang sakit sa dibdib niya na halos mapupugto na ang kanyang hininga. Sumasakit na nga ang lalamunan niya sa kakapigil na umiyak ng malakas. Pinakiramdaman niya ang sarili, Ngayon ay narealize na niya ang lahat. Yung namimiss niya ito at pag nasa malapit lang o nagcu-cuddle sila ay bumibilis ang t***k ng puso niya. Yung parang lumiliwanag ang buong paligid niya pag n

