Tulad ng sinabi ni Zion ay sinundo siya nito. Paglabas niya sa gate ay nandun na sa harap ang kotse nito. Nakasandal pa ito sa sasakyan at hindi binbigyang pansin ang mga babaeng napapatingin sa binata. Hindi niya napigilan ang mapaurong at umatras ng dalawang hakbang, gusto niyang tumakbo palayo para magtago ngunit bago pa niya magawa ay nakita na siya nito. Napaayos agad ito ng tayo at itinaas ang kilay. Hindi siya kumilos para lumapit dito at sa halip ay napaatras muli siya ng dalawang beses. "Are you just going to stand there?" He asked "or you're thinking of running away?" She swallowed hard, mabagal na naglakad siya palapit sa kinatatayuan nito. Binuksan naman nito ang pinto ng sasakyan para sa kanya. Kinagat niya ang ibabang labi ng tuluyan siyang makalapit. "Get in!" Utos ni Zi

