Ang ikalawang distinasyon nila ay sa mines view. Isinama na rin nila si Shirley total wala naman daw itong kasama sa pagbabakasyon doon. Ngunit huminto muna sila sa may wright park para kumuha ng kabayo na saksakyan nila pagpunta doon, na mabilis at matigas niyang tinutulan. Sinamaan niya ng tingin si Zion na akmang hahawakan siya sa baywang para makasakay siya sa kabayo. Ang gusto kase ng binata ay mas maganda daw ang pamamasyal kung sasakay sila sa iisang kabayo. Siguro mga tatlumpong minuto na sila sa wright park at pinipilit siya ng binata na sumakay sa kabayo. "I won't let you fall down okay! Dalawa naman tayo sa iisang kabayo" frustrated na bigkas ni Zion. Embis na amuin siya ay naiinis pa ito sa kanya. "Eh ayoko pang mamatay eh" maktol niya at parang nakadikit na ang paa sa kinat

