Hindi parin umuuwi si Kalen sa condo nito simula noong araw na kamuntikan siyang malunod sa pool dahil sa kanyang sobrang pagtataranta. Magda-dalawang lingo na pala itong hindi umuuwi. Ilang beses niya itong sinubukang tawagan sa cellphone nito pero cannot be reached na ang number nito. Sinubukan niya namang puntahan sa kumpanya pero laging may appointment kaya hindi niya ito makita-kita. Siguro nga busy lang talaga si Kalen kaya hindi nakakauwi. Pero bakit ni isang text ay wala itong sinend sa kanya? Kahit sabihin lang nitong ‘hoy, busy ako. Hindi ako makakauwi leche ka.’ wala talaga. Nakagat niya ang kanyang labi. Maghihintay nalang muna siya. Busy lang talaga si Kalen. Busy lang talaga. Pinilit niyang pakalmahin ang kanyang sarili. Humarap siya sa salamin at ngumiti ng malawak. Kum

