Chapter 16.2

1419 Words

Parang nasa isa siyang masamang panaginip. Gusto niyang magising pero hindi niya kaya. Masakit. Masakit na masakit ang mawalan ng anak. “Margareth… kumain ka na… kagabi ka pa hindi kumakain.” Dumako ang kanyang tingin kay Krizlev. Gusto niya itong kausapin pero ni hindi niya maibuka ang kanyang bibig. Ni hindi niya kayang igalaw ang kanyang katawan. Parang wala na siyang pakiramdam. Hindi na rin siya umiiyak kahit naaalala niya ang kanyang anak na namatay. Wala na siyang mailuluha. Nakita niya ang pagbuntong-hininga ni Krizlev. Binaba nito ang hawak-hawak nitong plato na may lamang pagkain katabing mesa. Hindi niya na alam kung ilang araw o linggo na siyang narito sa hospital. Ni hindi niya nga napapansin ang umaga o ang gabi. Lagi nalang kasi siyang tulala at umiiyak. “Margareth…

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD