JUNIOR POV
Ayaw ko sa lahat eiy hinuhusgahan ang aking pagkalalaki!
Noong unay akala koy hindi tungkol sa aming tatlo yuong naririnig ko sa grupo nila Seb.
Iyon ang dating grupo ni Sawyer.
Di ko namaan iyon pinapansin...
Abay!!!
Kami na pala yuon!!!
Mga animal!!!
Kami pala ang tinutukoy nering binabae!
Anak ng -!
Tama ghang husgahan nila ang aming pagkalalaki!
Di hamak na magandang lalaki ako sa kanila't pinoy na pinoy ang dating ng aking kulay at kagwapuhan!
Ahhhh!!!
Di namaan ako nagpapahuli sa mukha ng kuya Pablo!
Lamang laang sa akin yuon ng kalahating timba ng tubig sa paligo!
Kaya namaan noong malaman ko buhat kina Don na pinagtatawanan nga raw kami eiy hindi ko na mapigilan ang aking sarili.
Ayyyy siya!!!!
Ako pa ba!!!?
Hintayin nila ang araw ng Lunes!!!
Makikita nilang walang sinabi ang ipinagmamalaki nilang kasintahan!
Noong lumabas pa nga laang kami nila Amil noon eiy di hamak na ako ang pinagtitinginan noon at hindi sila Amil!
Alangan namaang si Kidlat ang titingnan nila eiy baby pa namaan noon si Kidlat.
Ako yuon!
Nasisigurado ko!
At deni ay nakita ko si Don at Geyo na pumasok na sa kwarto namin.
"Junior! Paradise daw eiiiy! Club daw iyon ayon sa kasamahan natin! Diba ang club ay samahan!? " bungad na agad ni Donald iyon.
Areng mga areeeh ang inutusan kong kumalap ng impormasyon about doon sa Paradise.
Madami pa kasi akong inasikaso kanina after class.
"Ay natural! Paradise Club nga eiy. Samahan sa Paraiso yuon!!!! "
Alaaaah!?
Bakit ang pumapasok sa isipan kong club ay yuong kabaret at hindi samahan laang.
O maaari ring samahan na tipon tipon.
Hindi kaya!?
Kinakabahan tuloy ako!
"Pero Junior! Tayo eiiyy wala pang susuutin eiiih!" si Geyo na pumunta sa kanyang closet.
"Alaaaayyyy oo nga! " ng napagtanto ko rin.
Papaanoy yuong mga damit namin na panggala eiy maliliit na sa amin.
Ilan taon na pala ang lumipas!
Ahhhh!
Dagdag mo pang ang mga suot namin eiy provided laang ng training school na areeeh.
"Papaano na iyan!? High-class daw ang kasuutan roon." si Geyo iyon sa malungkot na boses.
"Isa pa sa napag-alaman namin eiy kailangan daw umurder roon ng alak at hindi pwedeng tumambay laang." si Donald namaan.
Patay!
Kabarettttt!?
"May alak!? " pangungumpirma ko.
"Oo. High class nga raw roon at may mga artista! Paano na iyan Junior? " -Donald
Ahhhh!!!
"Alaaaay wala namaang problema sa pera dahil meron tayo noon Don. Ang laki na nga ng naiipon natin mula sa ating allowance mandin dahil sa hindi namaan natin nagagalaw sa loob ng limang taon yuon. " sagot ko.
"Ahhhh meron gha!? " si Don na gulat na gulat.
"Yung ATM card. " paalala ko.
Maaaring hindi nga niya maalala dahil sa noong panahong iyon eiy hindi pa siya nakakaintindi ng english masyado.
Isa pay panay kasi libre ang kinakain namin mula kina Alex at ang mga gamit namin eiy libre ng magkakapatid.
"Ayyyyy oo nga pala!!!! Yung ATM card na ibinigay sa atin noon!!!! Nakatabi yuon sa akin. Katumbas nga pala ng card na iyon ay pera!!! " bulalas ni Geyo at may hinahanap na siya sa kanyang closet.
"Areeeh ohhh!!! " sabi nya pa at ipinakita pa sa amin yuong atm card niya.
"Alaaay mayroon nga rin ako niyan!!! Yaan pala ang sinasabi nyong atm. Solve na sa pera! Damit na laang para sa Linggo!!!! Pero wala na tayong oras mamili! " -si Donald.
Kamiy natahimik.
Wala sila Amil at umalis kanina.
Sila laang naman kasi ang marunong magoonline shopping.
May misyong ibinigay si kuya Aldric sa kanila.
Ang mga pamangkin ko namaan eiy sinilip ko kanina sa fire range at doon nagsasanay kasama ng kabody ng kuya Aldric.
May bantay namaan ang mga bata at free ako sa pag-aalaga.
" Si Sawyer!!! Oo ang my friend ko ang sagot diyan!!!" si Geyo na muling lumabas.
Ang bilis!!
Pero, tunay at lageh nasa labas yuon pag Sunday.
"Junior, kung sakali mang okay na ang lahat. Ako'y may problema parin eiy! " boses na namaan yuon ni Don.
"Ano namaan yuon? " tanong ko na napatitig ako sa kanya.
"Alam mo namaang hindi ako ganun na..... - Alam mo na ang ibig kong sabihin.... " sabi nire na alangan na alangan ang mukha.
"Ano nga yuon!? " ulit ko.
Pero alam ko na ang ibig niyang sabihin.
Mahiyain areeh sa babae.
Torpe gha.
Yuong nerb ang dating kapag sa lakarang panliligaw.
Abay sa aming nayon ay ganuon siya eiiiy.
Wala pa namaan akong napapansin babae dine sa campus.
Madalang laang at madalas nga eiy di mo napapansin babae na pala ang iyong nakakahalubelo.
Papaanoy kilos lalaki narin.
"Papaano gha magpa-ibig? Alam mo na! " nahihiya nering ani.
"Yuon laang!? Nakuuuy ngitian mo laang. Ganire ohhhh!!!! " at ngumiti ako ng pagkaganda ganda sabay kindat.
"Alaaaah!!! " si Donald na napakamot.
"Gayahin mo ko!!! " ani ko.
Ginaya namaan ako pero parang gago siya eiiiy!!!
"Anong ngiti yaang ginagawa mo!? Ngiting aso!? Ahhh! Hindi ganyan!!! Ganire ohhh!!! " at inulit ko ang pagngiti.
"Dapat ang ngiti ay mula din sa puso. Ang sabi ng nanay eiy mabilis mabighani ang binibini sa simpleng ngiti Don. Tapos ilabas mo iyang mapuputi mong ngipin at tiyak eiy halik na ang sunod. " natatawa kong sabi.
"Ang hirap namaan ng pinapagawa mo eiy!" angal nire na pinapractice ang ngiti.
Peroy pilit.
Kakaluko talaga areng ngumiti.
Lage kasing seryuso sa buhay eiy.
"Sige isa pa-----Alaaaah eiiiiy hindi nga ganiyan!- - Di hamak namang mas gwapo ka kumpara kay Geyo kapag nakuha mo ang ngumiti ng simple! sinasabi ko sa iyo Don, gwapo ka !!! " at sa sinabi koy ngumiti na siya ng totoo.
"Iyannnnnnn!!!!! Iyannnn iyon!!!! Ganyan ang ngiti na dapat mong pakawalan!!!! " sigaw ko.
"Alaaaay ganire gha!!!! ?" Natutuwa na niyang ani.
"Oo nga. Humarap ka na laang roon sa salamin. Magpractice kana roon at tiyak na iyan!!! " utos ko.
"Junior!!!! " ng biglang bumukas ang pinto.
Si Geyo.
"Ang daming damit ni Sawyer!!!! Tara!!!! " aya na nire kaya mabilis pa sa alas kuwatro na kamiy pumunta sa kwarto nila.
Ng makarating kami....
Ang putcha eiiiy walang tao.
"Asaan si Sawyer!? " tanong ko.
Nauna na kasing pumasok areh sa kuwarto ni kano habang kamiy nasa bungad parin ng kwarto.
"Nous savons que Junior est un homme fort, vous ne pouvez pas battre ça." ng marinig ko yuon buhat sa aming likuran.
Ako pa yata ang topic.
Sila Sawyer yuon at ang kasamahan neri sa kuwarto na kararating laang.
At tingnang mo areng si Geyo.
Mayayari pa ata kami.
Trespassing na ataaaaah ang lagay namin!!!!
"Whats happening here!? " ng biglang nakabawe areeh sa pagkagulat ng makita kami sa may pintuan.
Sabay naming tinuro ni Don si Geyo na kaclose niya.
Deni rin kasi natutulog yuon.
"My friend , let me borrow your coat and this and this. We going to Paradise diba sa Sunday. Wala kaming maisuot! " sabay pakita ng mga coat na hawak.
"What!!!? Bakit damit kow hiram mow!? " si Sawyer na nagtatagalog ng hilaw.
"Pogeh ka kasi dito so popogeh din ako. Okay. I borrow this. And this is for Junior and Donald. " sabay hagis sa amin ng damit.
Kagago ni Geyo.
Hindi na nahiya eiy.
"Ohhhh fuckkkk!!!! Lahat tow bagow. Its brand new dude!!!! And why - why should I'm going to let them borrow my clothes too!? " na itinuro kami.
"I help you long time ago! So I borrow this!!! " dinig ko kay Donald.
Ahhhh!!!!
May kapalit na ulam yun ahhhh!!!
"f**k!!! This is crazy!!! And you!? " na humarap sa akin.
"Bakit ano bang gusto mong kapalit ng pagpapahiram mo sa akin neri!?" malumanay kong tanong para maintindihan niya.
Ahhhh akoy mapag-iiwanan kapag hindi ako magiging mabait.
Makikipagkasunduan nalaang ako.
Seryuso areng tumingin sa akin.
"Seriously!? Anow akin gustow!? Iyow tupad!? " tanong nya na lumapit sa akin.
"Yeahhh!!! " sagot ko.
Saka areh umakbay sa akin at may ibinulong.
Nakatingin laang sa amin si Michael.
"Let me won against you tomorrow in Judo in front of everyone ha. " bulong nya.