JUNIOR POV "Thal, maghintay ka na muna deni't hahanapin ko laang ang hayop na switch ng pintong areeeh hah! " ani ko sa kanya, kahit na siyay walang malay. Saka ko siya ibinaba sa gilid. Mabilis kong hinanap ang maaaring switch nga ng garahing areeeh at napansin ko na agad ang naindap na pulang ilaw. Pamilyar sa akin yuon at- "Remote!!! " nasambit ko. Kailangan ng remote para bumukas. Oo, tama. Maliit laang na remote yuon. Nakahightech parin pala areng kapanget na garaheng areeeh!!! At ngayon nama'y hinihila ng utak kong tingnan ang loob ng sasakyan. Di na ako nag-alinlangan pa. Agad ko ng sinilip ang sasakyan at katabi ko laang namaan. At tama nga ako ng hinala! Nasa loob ang remote. Nakapatong laang sa itim na envelop. Sa may driver set kaya binuksan ko ang ka

