JUNIOR POV
Sumama narin ako sa klinika para matingnan ang lagay ng mga paa ng dalawa at malapatan ng ointment ang ngusong pumutok kay Donald.
Mabuti na laang at di ganun kalala.
Sa loob lang ng tatlong araw eiy magiging okay namaan daw.
Matapos yuon ay saktong nag sipagdatingan na ang mga kasama namin at sama sama na kaming magsisipagkainan.
All in one ang kilusan ng bawat isa. Di na tulad ng dati na by batch.
Ang dami pala namin!
Tulad ng pinag-usapan eiy ibinigay nga sakin ni Geyo ang kalahati ng kanyang ulam.
Kasalukuyan na kaming kumakain ngay-on sa mahabang mesa at akoy gutom na gutom talaga.
Nakasubo na ako ng makita ko si Sawyer na nakatayo at bitbit neri ang tray ng pagkain niya.
Nakatingin areeh sa amin at siniko ko si Donald.
Napatingin naman areeeh sa akin at napansin nya kung saan ako nakatingin.
"Ayain mo ng tumabi sa iyo! " pasimple kong sabi.
"Alaaaah eiiiy at bakit!!!!? May grupo siya ah! Galing sana kung ibibigay nya rin sa akin yuong ulam nya! " sagot neri pero si Geyo ay mabilis na kumaway kay Sawyer.
Matic eiy!
"Alaaay bakit mo tinawag!? " angal na maririnig ko kay Donald.
"Ahhhh para yuon laang!!! The more the merrier! Isa pay ayaw na niya sa grupo niyat pinabayaan siya kanina at nilampasan laang! " sagot agad neri at ng makalapit na areng si Sawyer eiy nagpipigil ng ngiti.
" My friend you sit down here. " alok neri sabay kain.
Maya maya eiy napansin kong tingin areeeh sa tingin sa pinggan ni Donald at nagulat akong yuong platito na may lamang sausage eiy pasimpleng inaalok kay Donald.
Akoy natatawa.
"That's for him my friend!? " tanong ni Geyo na hindi makapaniwala!
"Alayyyy dininig ka ng langit Donald! " dagdag pa niya!
"Y-yes! This is for you dude!!! " nahihiyang sagot ng isa na nakatingin kay Donald.
"Ayeeeeehhhhh!!!! " tukso ni Geyo.
Kagago eiy!
Natatawa tuloy ako!!!
Tapos nabulunan si Donald.
"Nyaaahhhhh!!!! " angal neri.
"Alaaaah eiiiy kung ayaw mo eiiiy di sa akin na laang!!!!" dinig ko kay Geyo at tatangkain na nering kunin yuong sausage.
Di na ako makikipag-agawan dahil sa mayroon at sapat na ang ulam ko.
Pero si Donald kabilis ng kamay at nakuha nya agad yuong sausage ni Sawyer at mabilis pa niyang isinubo.
Alaaah!!!!
Kahit si Sawyer eiy nagulat!
"Magpasalamat ka namaan! " siko ko.
"Alam na niya iyon! Siya nga kanina eiy walang salamat ahhhh! Patas laang kami! " suplado nering sagot.
Matapos naming kumain eiy nagulat kaming ang grupo namin ay nasa field na namaan!
"Anoooo ghang meyroon!!!!?" tanong ni Donald kay Geyo.
"Hey my friend what is the occasion!? Why are we here? " pass the question ni Geyo.
"Haircut dude!" sagot ni Sawyer.
Magkasundo na areng dalawa pero sakto laang sabihin na nating nakuha na ni Sawyer ang loob ni Geyo.
At speaking haircut , abay good!!!
Mahaba narin ng buhok ko!
Mahal ang magpagupit sa France ng buhok kaya di kami nagpapagupit.
Sayang ang pera.
"Junior abahhhh ano gha ang bagong usong gupit ngay-on!? Gusto ko yung nakakagwapo!!! " dinig ko kay Geyo.
"Quiff haircut! Bagay yuon sayo! " sagot ko.
Nabasa ko kasi yuon sa magazine.
"Sa akin kaya Junior!? " si Donald namaan.
"Undercut sa iyo Don at nakakalinis ng mukha! More poge points pa tapos palagyan mo ng style na pinapashave deni oh! " at itinuro ko yung gitna sa itaas laang ng tainga at paside.
"Ang angas noon!!!! " dagdag ko.
"Alllaaah eiiiy sige!!! Eiy ikaw? Anong sa iyo!? " si Donald na naka yakap sa sarili.
"Crew cut laang. At maigeh na iyon sa akin. Mas lumalabas ang kapogean ko!!! " sagot kong may kayabangan.
Tumawa laang yuong dalawa maliban kay Sawyer na hindi nakakaintindi ng lingwahe namin.
"How about you Sawyer! What haircut do you want!?" tanong ni Geyo.
At napakamot laang ng ulo si Sawyer.
Waring nag-iisip.
Sila ang unang sasalang sa gupit.
Sampu na agad sila.
Akoy sa pangalawang salang pa at kasama ko si Sawyer.
"Sir, I want undercut! " dinig ko kay Donald matapos lagyan ng tela sa leeg.
"I want quiff cut sir! " ng maringgan ko namaan kay Geyo.
At nakita kong naiiling nalang yung barbero.
Bigla akong napanganga ng bakit razor ang gamit at ukab na ukab na agad ang gilid ng ulo!
Abayyyyy bakit gay-on!!!!?
"Its a buzz cut dude. All of us. We are trainee here. " bulong sakin ni Sawyer.
"What do you mean trainee!? I don't understand dude! " sagot ko sa kanya at nakakunot na ang aking noo.
Abay malay ko gha sa pinagsasabi neri!
"We are the recuit of Aces Target dude here. You already know that isn't it? " tugon sa winika ko.
"Eiiiih!!!? " tanging naisagot ko dahil sa wala akong maisagot at tapos na rin sila Geyo.
Kabilis anoooh!!!
Pano namaan kasiy kilos ng razor areeeh at kunting ahit ang animal ay okay na.
Halos kakalbuhin ka laang naman!
Daig pa ang army cut!!!
Arey parang bibitayin ka!!!
Natulala narin yung dalawa ng magkatinginan.
Ni hindi sila makahuma sa kanilang kinatatayuan at sumasalamin ang isa't isa.
Mga tukmol!
Mamaya daw eiy may meeting daw lahat ng batch ko.
Kaya pagkatapos na akoy magupitan eiy sinadya namin ang building nila Alc habang hindi pa tapos ang iba naming kasamahan.
Pero ako laang ang ipinapasok at sila Geyo eiy bumalik na ng building.
Akoy tulala ng makabalik sa building namin.
Bitbit ko rin areng tatlong cellphone na ibinigay sa akin ni Amil.
Ang cellular na areeeh eiy pang local laang.
Areey nakadisconnect daw sa pang social media at for educational purposes laang.
Kaya laang ang lukong si Alex eiy may mga p**n daw na nakaattached deni na inilagay niya.
Kaunte laang daw pero ng icheck koy halos mapuno na ang video files!
Kagago gha noon.
Kung ano ano na pampalibog na movie ang inilagay niya deni.
Akoy napapalunok na laang ng akoy makasilip ng isa.
Tawa sila ng tawa sa akin gayung pulang pula na ko sa di ko malamang dahilan.
Pero akoy nahihiya na makakita ng ganuon eiy!
Sa ngayon eiy ang gulo ng aking isipan.
Isa laang ang mas inaalala ko.
Ang kuya Pablo.