Milli Papasok na ako ng school kasama ang mga kaibigan ko. Sabay-sabay kaming pumasok because of certain reason. Ngayon ko gagawin ang pagtatapos ng dare na sinimulan ko. Hindi ko pinapahalata ang lungkot na nadarama ko. Masakit sa akin ang gagawin ko pero kailangan kong gawin para sa mga kaibigan ko. Pagpasok namin ng school, agad kong hinanap si Dwayne sa mga estudyanteng nakakalat sa ground ng school. "Ayon oh," bulong ni Queenie sa akin habang nakatingin sa direksiyon kung nasaan si Dwayne. "Perfect timing Dear, maraming students na makakarinig. Go Milli Dear," bulong nito sa akin. Napalunok muna ako bago tumingin sa kanila at tumango. Dahan-dahan akong naglakad palapit sa kanya. Nakasunod lang ang mga kaibigan ko sa akin. Pagkadating ko sa kanila, hindi muna ako umimik dahil alam

