Kinaumagahan ay maagang nagising si Alex. Tumayo siya at nag inat ng katawan, iyon ang unang beses niyang matulog sa sofa. Pero mabuti na rin iyon at nang sa ganun ay hindi siya lalong madarang sa init na may roon siya para sa dalaga. Gusto niyang suntukin ang sarili sa sobrang kapusukan na nagawa kay kagabi. Kung bakit naman kasi lumabas-labas pa ito at nanghingi ng gatas! Nako-control na sana niya ang sarili niya na hindi ito lapitan, kahit na ang totoo ay gustong-gusto na niyang angkinin ng buong magdamag. Ang kaso ay baka magising naman ang anak nila, at isa pa, parang hindi naman ata maganda na gawin niya kaagad ang bagay na iyon. Nagtatalo ang puso at isip niya. Ang idinidikta ng isip niya ay inuutusan siya na pakalmahin ang sarili at 'wag magpadala sa kapusukan ng damdamin. Ngunit

