"Ano ang ginagawa natin dito?" Kunot noon na tanong ni Jhajha kay Alex kung bakit sila na roon sa harap ng isang bahay-bakasyunan sa batangas na pag-aari ng pamilya ng pinsan niya na si Clyde. Kinuntyaba niya si Daisy na bantayan ang anak nila upang maisagawa nila ang honeymoon na hindi nila matuloy-tuloy sa bahay dahil sa anak. Tuwang-tuwa siya at na pakiusap niya ang anak na 'wag na munang hanapin ang mommy nito sa loob ng tatlong araw. Nagpapasalamat rin niya dahil mabuti na lang ay supportive sa plano niya ang kaibigan ng asawa. "We are going to stay here for three days," nakangiti na ani Alex sa asawa habang inaalis ang seatbelt. "What?! Paano ang anak ko? Alex ang layo natin sa anak ko! Hindi 'yon sanay na hindi ako katabi matulog, baka umiyak 'yon!" Hysterical ni Jhajha sa lalak

