Chapter 3 Love bites

1551 Words
Nagniningning ang mga mata na inihitsa ni Jamaica ang bag sa ibabaw ng kama nito, at kinikilig na kinuha sa loob ng bag ang t-shirt ni Alex, na kagabi lang ay magdamag na kayakap at katabi niya sa kama. Napapikit siya at inamoy-amoy ang t-shirt na hawak. "Ang bango mo talaga! at ang gwapo pa! Ang galing-galing mo talaga, Jamaica!" Proud na sabi nito sa sarili nang mabigyan ng katuparan ang isa sa mga pangarap niya. Sawakas, sa tagal ng panahon niyang lihim na sinusundan si Alex ay napansin na rin siya nito, at bonus point pa nang may nangyari sa kanilang dalawa. We make intense love making last night! Kinikilig na sabi niya sa sarili. Tsk! Making love pinagsasabi mo d'yan girl? Nangarap ka na naman ng gising 'no? It wasn't making love, It's was full of lust! Duhh! Wala naman kayong relasyon di'ba? So, paano naging making love ang ginawa ninyo, aber? Basag sa kaligayan niya ng isang maliit na tinig mula sa sip niya. Killjoy ka 'no?! ah, basta, ke' may love or wala, ang mahalaga we make it. Done the conversation! Nakanguso na sagot niya sa sarili. At hinawakan ang cellphone tsaka ini-dial ang numero ng kaibigan. Hindi naman nagtagal ng tatlong segundo ay sinagot na kaagad ng kaibigan niya ang telepono nito. "Hello sa aling nagdidiwang sa tuwa. So, ano, saan ka dinala ng crush mo?" Excited na tanong sa kanya ng kaibigan niya na si Daisy. "We spend the night together!" Kinikilig na sagot ni Jamaica sa kaibigan. "Ano? Nag overnight ka kasama ang lalaki na 'yon?!" Hindi makapaniwala na tanong ni Daisy sa kanya. "B-bruha ka! Don't tell me, nag... Oh my gosh!" Daisy paused for a moment at hindi maituloy ang nais sabihin. "Don't tell me nag momol kayo?" "Momol?" Ulit na bigkas niya sa sinabi ng kaibigan. "Momol. Make out, s*x. Alam mo na 'yon, bruha ka! magsabi ka sa 'kin ng totoo. Nag momol kayo? " "Yes! Nag-momol kami," Proud at walang paligoy-ligoy na sagot ni Jamaica sa kaibigan. "Anak ng tokwa ka! Gumamit ba man lang kayo ng proteksyon? Did he use a condom?" "Proteksyon? Condom?" Usal muli ni Jamaica sa pinagsasabi ng kaibigan na hindi naman niya maunawaan kung ano ang mga pinagsasabi nito. "Opo, Condom to protect you from early pregnancy. Don't tell me hindi mo alam ang bagay na 'yan? ah?" Natampal ni Jamaica ang noo, at napalunok siya sa sinabi ng kaibigan. Bakit nga ba hindi niya iyon na isip. "Hindi naman siguro ako mabubuntis. Isa pa, we were just did it once—" "Bruha ka talaga! Hindi porque isang beses n'yo lang ginawa 'yon eh hindi ka na mabubuntis! Nako. Jamaica Mae Santiago, malalagot ka sa kuya mo pag nagkataon," Pananakot na sabi Daisy sa kanya. "H'wag ka na ngang nega d'yan, killjoy ka naman sa kaligayahan ko, eh." Sagot niya kay Daisy. Pero deep inside of her, may kagat na rin ng takot sa dibdib niya dahil sa pananakot ng kaibigan niya sa kanya na maari siyang mabuntis. Gayon pa man ay hindi muna niya iisipin ang bagay iyon. Ang tanging alam lang niya ng mga sandali na iyon ay masaya siya. Dahil kahit isang gabi lang silang nag kasama ni Alex ay habang buhay na niya iyong hindi malilimutan. At tatanawin niyang isang napaka gandang ala-ala sa talang buhay niya. At kahit pa isinuko niya ang pinagkakaingat-ingatan niyang yaman sa lalaki ay hindi siya nagsisi, bagkus ay masaya pa siya na si Alex ang lalaki na napag-alayan niya niyon. "Hindi po ako nega 'no. I'm just stating the fact and the possible to happen. Kung bakit naman kasi hindi gumamit ng protection ang lalaki na 'yon?" "Hindi ko rin alam," naka nguso na sagot ni Jamaica kay Daisy. At malalim na bumuntong hininga ang kaibigan niya sa kabilang linya. "Hay, naku. Girl, ipanalangin mo na lang na hindi ka mabuntis sa isang gabi na pinagsaluhan n'yo. Dahil pag nagkataon friend. Malaking problema talaga 'yan," Ang lakas makahawa ng kaibigan ni Jamaica. At maging siya ay napa-buntong hininga nalang rin. "Saka ko na lang siguro po-problemahin ang bagay na 'yan pag may laman na ang tiyan ko," biro na sagot ni Jamaica kay Daisy. "Pasaway ka talaga. eh. mamaya niyan pati ako mayari sa kuya mo," ani Daisy "Ako na ang bahala. 'Wag mo ng problemahin ang bagay na wala pa naman. Sige na. I have to drop this call na. Mag sho-shower pa ako," Kapagkuwan ay sabi niya sa kaibigan at tuluyan ng ibinaba ang telepono. Habang nakatapat ang hubad na katawan ni Jamaica sa umaagos na tubig mula sa dutsa ng shower. Bumalik sa alaala niya si Alex, at ang mainit na gabi na pinagsaluhan nila sa ibabaw ng malambot na kama ng lalaki. Ipinikit niya ang mga mata at ninamnam ang mga nangyari ng gabi na iyon. Kung gaano kaingat at mainit na hinaplos ni Alex ang balingkinitan niyang katawan. At ang hatid na init ng katawan ng lalaki sa katawan niya, wala siyang karanasan sa bagay na iyon. Pero ang katawan niya ang kusang tumugon sa mainit na pinaparanas sa kanya nito. At animoy alak ang malambot na labi nito at unti-unti siyang nalasing at nawala sa sarili nang aggressive na angkinin nito ang labi niya. "Jha, matagal ka pa ba d'yan sa banyo?" Naputol ang pagmumuni-muni niya sa tamis ng nangyari sa kanila ni Alex nang marinig nito ang boses at sunod-sunod na katok ng ate Liezel nito sa pinto ng banyo. Haist! Wrong timing naman 'tong si ate! "Nag sho-shower ako ate Liezel, bakit ba?" Sigaw na tugon niya sa nakatatandang kapatid. "Makikigamit sana ako ng banyo." Ganting tugong ng ate niya. "Eh, bakit makikigamit ka ng banyo? sa kwarto mo naman meron di' ba?" naiinis na sagot niya. "Basta bilisan mo nalang mag-shower, okay. Maghihintay ako sa 'yo hanggang sa matapos ka. So, make it fast because I can't keep my pee any longer, sasabog na ang pantog ko!" Naiinis na hinadali niya ang paliligo dahil sa sinabi ng ate nito. At kaagad na ini-off ang shower at binalot ang basang katawan ng towel tsaka tuluyang lumabas ng banyo. Mabilis siyang lumapit sa ate Liezel niya nang makita ito na binulatlat ang laman ng bag niya. "Hey, what are you doing? Bakit mo pinakikialam ang bag ko?" Nakataas na kilay na sita niya sa kapatid. At akma na sana ng hahablutin ang bag sa kamay ng ate niya, ngunit maagap nito na inilayo ang bag sa kanya. At dali-dali nito na kinuha ang t-shirt ni Alex na naroon. "At bakit may t-shirt ka ng lalaki sa bag mo, huh?" Ani Liezel at tuluyang iniladlad ang t-shirt ng lalaki. Nanlaki ang mga mata niya sa tanong ng ate niya. "Ikaw talaga, Jamaica Mae Santiago, ah. kung ano ano na naman ang pinaggagawa mo! Kaya ka napapagalitan ni kuya, eh. Puros kalokohan ang pinaggagawa mo." Sermon ng ate Liezel niya sa kanya. kaagad niya na hinablot ang t-shirt sa kamay ng ate Liezel niya. "Pakialamera ka talaga kahit kailan,'no!" Aniya at inirapan ito. "Project po namin 'to 'no, mag da-dye kami ng t-shirt sa school." Pagsisinungaling na sabi niya at muling isinilid sa bag ang damit. "Eh, saan ka natulog kagabi, aber?" Dagdag na pang-iiterrogate ni Liezel. "I'm on my friend's house, at nagpaalam po ako kay nanay na matutulog ako sa house nila Daisy dahil sa project at thesis na tinatapos namin," Nakahinga siya ng maluwag nang mabilis na makahanap ng maisasagot sa ate nito. "Oh, ano may next question ka pa ba nay? kasi kung wala na eh you can leave my room na po. At magbibihis pa po ako," Nakataas na kilay na turan niya kay Liezel. Akma na sanang tatalikod ang ate nito ngunit napatigil ito nang may mapansin na mapula sa may umbok ng dibdib ni Jamaica na hindi natatakpan ng towel na nakabalot sa katawan nito. "Wait. It's that a hickey—" Hind na niya pinatapos sa pagsasalita ang kapatid. Kaagad niya itong hinila palabas ng kwarto. "Later na tayo mag chikahan sister, magbibihis muna ako. okay," sabi niya rito. At kaagad na isinara ang pinto ng silid. Dali-dali siyang tumagbo sa walk-in closet at humarap sa malaking salamin na naroon. Pinasadahan niya ang buong katawan at nanlaki ang mga mata niya sa limang kiss marks na nakapalibot sa dalawang dibdib niya at isang kiss mark sa gilid ng leeg. Napangiti siya na hinawakan ang kiss mark sa gilid ng leeg niya. "Ganun ba ka intense ang ginawa namin kagabi at halos punuin na n'ya ng kiss marks ang dibdib ko? hay. Alexander lawrence David. Ang naughty mo ah. kinikilig ako!" Aniya habang walang sawa na pinagkakatitigan ang sarili sa salamin. "Camera! I need to take a picture para may remembrance ako sa kiss marks n'ya," Mabilis na kinuha niya ang phone at nag-selfie ito sa harap ng salamin. Matapos nitong makuhanan ng litrato ang sarili na kita ang kiss mark sa leeg ay saka nito pinost ang litrato sa social media account nito with caption. "MY LOVE HICKEYS WONDERFUL NIGHT EVER!" Kinikilig niya na tinitigan ang litrato na nakapost sa account niya. Hindi naman siya nangangamba na baka makita iyon ng ate Liezel niya dahil naka blocked ito sa sa kanya, kaya worry no more siya sa bagay na iyon!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD