Hanggang sa paglabas ni Evelyn sa kwarto ng binata ay natatawa parin siya. Masyado itong pikon at ang cute din ng reaksyon ngunit nawala ang tawang iyon nang makasalubong niya si Dra. Altamirano, ang psychologist ni Damian. "Good evening doc" magalang niyang bati at ngumiti ng tipid dito. "Oh! Hey there nurse Evelyn!" masiglang pagbati nito sakaniya. Ibang iba sa narinig niya noon sa kwarto ni Damian. Nang malampasan siya nito ay naging seryoso ang kaniyang mukha. Nagpapanggap ba si Dra? Tanong sa kaniyang isip. Mabilis niyang iwinala sa isipan ang doktor. Marami na siyang dapat isipin, dapat one at a time lamang dahil para siyang mababaliw kapag nagsabay sabay! Pagkarating sa station nila ay mabilis niyang kinuha ang gamit at nagtungong banyo upang magbihis ng uniform. Nang pumatak an

