"Mga babae talaga ang dadrama!" eksaheradong sambit nito at mabilis na dumiretso sa mesa sa loob ng kwarto niya. Humiwalay din naman sila ni Amara sa isa't isa, bumalik sa couch ang dalaga at tahimik na nag cellphone. "Nga pala Amara, uuwi kaba ngayon sa inyo o dito ka magpapalipas ng gabi?" napangiti siya at kumindat kay Amara dahil sa tanon ni Earl dito. "Uhm uuwi po ako kuya Earl." mahina at nahihiyang sambit ng dalaga. Nakita naman niyang tumango ang binata dito. "Gabi na Amara, ihahatid ka nalang ng kuya Earl mo pauwi, diba Earl?" sambit niya upang mabigyan ng pagkakataon ang dalawang magkasama. Napangiti siya dahil sa plano. She trust Amara para mapa inlove ang kaibigan niya at botong boto din talaga siya dito. "Huh? Bakit ako? Edi wala kang kasama dito?" pag angal nito sa sin

