"Ay ang niluluto ko!" pasigaw na saad ni tita Amanda at mabilis na tumakbo papuntang kusina. Sumunod naman si tito Rogelio doon samantalang pumasok sa loob ng kwarto si Amara. Naiwan sila ni Earl sa sala at umupo sila sa upuang pahaba na gawa sa kahoy. "I brought you something." pahayag ng binata sa kaniya at pinakita ang supot na dala dala nito kanina. "Ano yan?" tanong niya dito. Inilabas naman ng binata ang binili at napagtanto niyang donut iyon. Agad na nagningning ang kaniyang mga mata at napapalakpak pa siya. "Oh my gosh thank you!" masaya niyang sambit at kumuha agad siya ng isa, pinili niya ang may chocolate dahil natatakam siya doon. "hmm sarap!" sambit niya at napapikit pa talaga. Nang dumilat siya ay nakita niyang nakatitig lang ang binata sa kaniya at may ngiti ito sa mg

