Natigilan ang kaniyang ina dahil sa kaniyang sinabi. Tumitig lamang ito sa kaniya at walang kahit anong salitang namutawi sa bibig nito. "And I want out mommy. Please help me, I want to leave this place!" pagmamakaawa niya sa kaniyang ina. She's thinking about her child's life, ayaw niyang madamay pa ito sa kaniyang magulong buhay. She wanted a peaceful life! Far from pain. "No Evelyn!" hindi makapaniwalang tugon ng kaniyang ina sa kaniyang. Tumayo ito at lumabas ng banyo, sinundan niya naman ang kaniyang ina at naabutan niyang pabalik balik ang lakad nito habang hawak ang sintido. "M-Mom please! Ayokong makita si Damian kasi ang sakit! Ang sakit sakit na mom! Hindi ko alam kung kakayanin ko pa ba!" napahagulgol ulit siya dahil sa nararamdamang kirot. How can she tell to her child n

