Gumising si Juliana na mataas na ang sikat ng araw. Wala siyang katabi sa kama kaya inisip ng dalaga na baka doon na nga sa baba nakatulog si Anthony. Baka napagod sa chukchakan nila ng dating asawa at doon na nakatulog. Nakaramdam na naman ng kahungkagan si Juliana at takot sa araw na iyon. Tumulo ang luha ni Juliana nakakaawa siya dahil luha ang almusal niya. Pinunas niya ang mga luha, kung eto ang kapalaran niya anu bang magagawa niya. Hindi naman siya pwedeng magalit kay Anthony never ata siyang magagalit sa lalaking iyon. Wala itong kasalanan sa kanya. Nagsinungaling siya at sinakyan lamang ni Anthony iyon at dapat niyang ipagpasalamat yun dahil heto at may tinutuluyan siya matapos tumakas sa pangit niyang mundo. Ginagamit din lang niya si Anthony dahil ano nga ba ang purpose n

