Buong akala ni Anthony kaya umamin si Juliana sa lahat ng ginawa nito ay para makabalik na sa kasintahan nito at ayaw na sa tabi niya. Yun ang nasa isip niya kaya eto mas ikinagalak niyang isipin ni Juliana na magbayad na lang. At dahil doon palagi niya itong sisingilin na lang para palaging nasa tabi niya at wag siyang iwan. Pero para sa dalagang namulat sa mundong ang lahat ay may presyo at ang lahat ay dapat pinagpapaguran at lahat ay may katapat na halaga. At alam ni Juliana ang kahulugan ng salitang iyon ni Anthony. Kaya ang magic word na hinihintay hintay sana niya ay alam ng nilang tinangay na ng hangin at nalunod na sa dagat. Ano nga ba ang nakapagtataka. Kelan ba may nagtangkang alagaan at pakaingatan ang isang kalapati lamang. Hind bat madalas lamang itong ikulong sa isang hawla

