Abala si Anthony sa pagkausap sa isang katulong kaya hindi nito nakita ang saglit na ginawa ng babae. Pero nagulat si Juliana ng ipakilala ni Anthony kung sino ang babae. “Sweetheart, alam ko hindi mo naalala sa ngayon pero maikuwento ko na sayo ito. Juliana meet my mother in-law. Maggie meet my new wife si Juliana" may pagaatubiling sabi ni Anthony na humigpit ang hawak sa balikat niya na tila ba nagpapapaalam. “New Wife? Kelan pa? bakit hindi ko alam yan?” Halos pasigaw na tanong ng babae. Pero hindi nakaligtas kay Juliana ang biglang pagputla ng mukha nito na parang nakakita ng multo. "Why Maggie dapat ba ikuwento ko sayo lahat ng escapade ko. Do i really need your permission? dapat ba ipaalam ko muna sayo ang lahat?" tila may nahimigang hinanakit si Juliana sa boses na iyon ni Antho

