Tama! ang huling suggestion ng isip niya.Yung ang the best na dapat gawin. Hihingi na lamang siya ng tawad sa panloloko kay Anthony sa kanyang isipan. Sa ganung paraan ay hindi na malulubog sa pagkukunwari at pagsisinungaling si Anthony. Nakakaawa na kase ito dahil halata kasing hindi sanay magsinungaling. Nakaramdam ng uhaw at gutom si Juliana matapos makipagtalastasan sa sariling isipan. Balak sana niyang puntahan si Anthony sa library pero ayaw na niyang gambalain ito baka kase isipin nito nangaakit na naman siya at gusto na naman niyang ituloy ang laro eh wala nga sa mood ito mapapahiya lang ulit siya. Natagpuan ni Juliana ang sarili na bumababa sa hagdan at dumeretso sa kusina. Medyo gabi na kaya siguro nakapahinga na ang katulong. So, far tatlo pa lang ang nakikita ni Juliana na ka

