Chapter 7

1116 Words
“Hi miss, ito oh galing sa ano, sa amo ko. ayun siya sa ano sa table 7 mis sa kanan, pogi diba” sabi ni Tino. Isang magandang ngiti ang ibinigay ni Juliana kay Tino saka nilingon ang itinuro nitong amo. Napatda si Juliana ng makita ang isang matangkad na lalaki na parang foreigner. Nakatingin nga ito sa gawi nila pero parang malayo naman ang tingin. “Salamat pogi… paki sabi kay Boss salamat din at sa uulitin kamo” Sabi ni Juliana na totoo ang ngiti. Kung sino man kase ang amo nito ay malaki ang pasasalamat niya dahil eto ang may pinakamalaking pa ipit. Karamihan kase ay tag iisang daan o dalawang daan ang ipit, may kasama pang himas yun. Bibihira ang nag iipit ng may mukha ni Ninoy kadalasan ang gumagawa noon ay mga pulitiko at matandang amoy katinco. Pero suwerte ata siya ngayon bukod sa dalawang papel na may tatlong ulo ang pa ipit niya madami rin ang nagsaboy bagamat halos lahat ay kulay violet at ang iba ay kulay orange pa. Kapag pinagsama sama naman ay marami na rin at tiba tiba na rin kumpara sa saboy ng ibang dancer na nauna sa kanya. Masuwerte ang gabi niya ngayon. Bumangon na si Juliana sa pagkaka split ng magsalita ang Dj na tapos na ang kanyang entabladp. Sinamsam niya ang saboy na pera at inilagay lahat sa loob ng kanyang bota. Masaya siyang malungkot dahil sa kabila ng pagod at suwerte niya ngayong gabi ay alam niyang merong isang taong mas matutuwa sa laki ng kanyang kinita. Ang buong akala ni Juliana ay magkakaroon siya ng katuwang sa buhay dahil may kasintahan siya, dahil mahal siya ni Renzo. Bagamat nasa madilim at maruming mundo ay naniniwala si Juliana sa wagas na pagmamahal o sa kapangyarihan ng pagibig pero isa lamang pala siyang hangal. Alam ni Julianan na nagkamali na siya kay Renzo pero madalas ay sinasaway siya ng puso niya. Yun kase ang kahinaan ni Juliana. Grabe siya magmahal yun tipong susugurin ang giyera o aabutin ang mga ulap. Nakalakihan kase ni Juliana ang paghahanap ng pagmamahal since maaga siyang naulila sa pagmamahal ng ina. At halos wala namang pagmamahal sa ama na mas mahal pa ata ang alak kesa sa kanya. Kaya ng iparanas ni Reno ng pagmamahal at pagaalalaga ay halos mahumaling si Juliana at hinanap hanap niya. Yun nga lang may katumbas pala yun o kung hindi man katumbas may hanganan lang pala. Kinapa ni Juliana ang dalawang libong paipit ng guwapong lalaki. Nakita kaya ito ni Renzo? Kinuha ni Juliana ang inipit na iyon at balak sana niyang iipit sa loob ng kanyang kulot na wig para hindi makita ng katipan pero ng ilabas niya ay biglang hinablot ng lalaking nasa likuran na pala niya. “Wow! ang laki ng tip mo Babe ahh.. nice tatlong ulo wow...! wow!” Si Renzo iyon na nakitang dinukot na niya ang pera. Alam na ni Juliana na ganoon ang mangyayari. Minsan naiisip na niya kung pinupuri ba siya nito dahil ginalingan niya at kumita siya o pinupuri ba nito ang kinita niya. Inaasahan na rin ni Juliana na agad itong ibubulsa ni Renzo. “Ahh Babe pwede bang itabi ko ung dalawang libo balak ko kaseng dalhin ang itay ulit sa doctor para kasing lumalala siya eh madalas naglalagnat eh” Pakiusap ni Juliana ng makitang isiniksik agad ni Renzo ang pera sa bulsa. “O sige Babe, basta nandito lang sa akin pagsama samahin na natin pati yang nasa boots mo para mabudget natin ha” Sabi ni Renzo na tinulungan pa siyang hubarin ang boots niya. Naiiling na lamang si Juliana dahil alam niyang kapag hinawakan na ni Renzo ang pera malabo na niya itong makuha. Alam niyang malabo na naman niyang madala ang ama sa doktor. Bakit pa nga ba siya nagtaka. Hindi na bago ang ganitong eksena pero nakakasawa na nakakapikon na rin. Magpapalit na sana ng damit si Juliana ng pigilan siya ni Renzo. “Kung sakaling may tumeybol sayo wag mo tanggalin ang maskara mo ha at wag ka ng magbihis patongan mo na lang sweater gawin mo ang lahat para malaki ang tip at makarami ka ng ladies drinks” Bilin pa nito. "Ano? pero babe, alam mo ang patakaran ko dyan di ba saka bakit? bakit bigla mong sinabi yan?" hindi makapaniwala si Juliana na si Renzo mismo ang nagsabi samantalang seloso nga ito at basagulero noong unang nagsayaw siya. Pero biglang napaisip ang dalaga. Noong una lamang iyon mga hanggang tatlong gabi lang, nawala ang pagkaseloso nito ng makahawak na ng malalaking tip at sabog mula sa kanya. Nakuyom ni Juliana ang kamao sa pinipigil na galit, halos maluha siya sa turing sa kanya ni Renzo. Para siyang isang putang isinasalang sa kawan ng mga hayok para lamang mas lumaki ang kita nito. Alam niyang sagad na yun alam niyang hindi na pagmamahal iyon. Naiyak si Juliana kaya tumakbo siya sa Cr. Gusto na niyang makalayo. Ayaw na niya sa nangyayari. Mahal niya si Renzo. Ewan niya kung bakit sa lahat ng lalaki ay ito pa ang minahal niya. Minsan ba talaga mahirap kumalas sa first love? Gusto na niyang tumakas, tumakbo pero paano ang kanyang ama? Gusto niyang makipagkalas na kay Renzo pero saan sila pupunta? Paano niya uumpisahan. Alam niyang kapag nakipag break siya dito ay magagalit ito at malamang paalisin na siya sa club, isusumbat nitong siya ang nag pasok sa club. Hindi naman siya maaaring mag apply ulit sa ibang club, hindi nga siya kagandahan eh kaya nga siya nagmamaskara. kaya nga pagka janitess lang siya pumasa. Nakakulong ang kuya niya kaya walang bantay ang kanyang ama. Paano na siya makakapaghanap buhay para sa gamutan ng ama. Sa cr na tanging kakampi n Juliana ay inubos ng dalaga ang luha at nilamon ang pangarap. Pero isang araw, isang araw na bigyan lamang siya ng sign, nang pagkakatoan na makatakas sa mundong ito ay gagawin ni Juliana. Samantala……….. “Boss, pinapa reserve ng amo ko yung dancer na naka red yung kakatapos lang mag show. Sa table mo namin papuntahin boss. Exclusive ayaw ng amo ko ng per hour lang” Sabi ni Tino kahit wala naman binanggit na ganun si Anthony alam na nito ang ugali ng amo. Hindi ito papaya na pagkatapos sa iba o pipila at pagtitiyagaan ang hindi nito napili. “Walang problema Bosing. Magbibihis lang Yun. Ang kaso Bosing in demand yun eh kita mo naman star Dancer ko yun. Kaya ganun din sa pag teybol. Medyo may presyo yun kesa sa iba ha bosing” Sabi ng gahamang si Genesis na nakakita agad ng peso sign sa mata ng lalaking kausap.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD