"Pangbabae? tapos nasa kuwarto ni Anthony?" bulong ng dalaga. Nakaramdam ng selos at lungkot si Juliana. Kung may pangbabaeng gamit dito malamang may kasamang babae si Anthony sa bahay dito mismo sa silid nito. Pero bakit ito nagsisinungaling ngayon? bakit ito sumasakay sa mga ek ek ko? Bakit dito pa niya ako pinatuloy? kase pwde namang sa silid na lang ng katulong o kahit sa sala lang ayos na. Naaawa ba ito sa akin? o nakokonsensya ba ito na baka akala sila ang nakabunggo sa akin?" "Aaah! nalilito na ako. Shemay.. tama..! Tama! " kausap ng dalaga sa sarili. Baka sa hospital lang siya nagpanggap na asawa ko para makalabas na para hindi na siya gumastos para wala ng magusisa. Baka mahal ang MIR ba yun yung ano na yun tama! tama! Sa hospital lang naman niya sinabing asawa niya ako" sab

