Chapter1

1195 Words
“Ladies and Gentlemen let's all welcome the Queen of The Night….. "Lady Nightingale” Sigaw ng Dj na siyang nagaptogotog ng kantang siyang saliw na musika ng babaeng maalindog na nakayuko at nasa harap ng Pole sa ibabaw ng intablado. Tumingala ang babae at suot naman nito ang maskarang tumatakip sa kanyang mga mata. Puno rin ng makikinang na palamuti ang maskara na tila ibinagay sa kanyang kasuotan pinanghalong ginto at bughaw. Nang magsimulang umindak at gumiling ang katawan ng babaeng maalindog ay nagsimula namang maghiyawan at magpalakpakan ang mga costumer ng naturang Club na iyon. Nang lumambitin na ang babae sa pole at isinagawa ang routine nito sa poll dancing na hinahaluan nito ng maharot na galawang tila pang aakit ang motibo sa karamihan. lalong narinig ang malalakas na hiyawan. Sinasadya ng babae na idikit ang pinagpala sa lusog na dibdib na halos lumuwa na sa masikip na suot. upang lalong mahikayat an mga lalaking aliw ang hanap sa lugar na iyon. Sinasadya n babaeng ikiskis ang harap habang makitid na bikini lamang na may sequences na siyang tumatakip ng tuluyan sa singit nito. At nakukuha ng babae ang kiliti ng lahat ng naroon. Nang dumako na sa chorus ang kanta ay nagpatihulog ang babae sa pole saka kumembot kebot at lumiyad liyad na meron pang pataas ng paa at patuwad. Thong ang suot ng babae bakagamat may Stocking na itim na akala mo net na panghuli ng isda. Nang magtangka ang babaeng muling sumayaw ng maharot habang hatak ang isang single chair at doon ay tila gumiling at tila humahangos na para bang may kaharap na kairog ay nagwala na ang mga lalaking hayok sa laman. Paisa isang lumalapit ang mga costumer at nagtatapon ng nakapulupot na dadaanin sa ibabaw ng stage kapalit ng konting hipo at hawak sa babaeng tila ahas na tinutugtugan sa disyerto ng Dubai upang sumayaw sayaw. Ang iba naman ay sinasadyan umakyat ng stage para lamang isiksik sa bra o sa mismong bikini ng babae ang salaping katumbas ng hipo at simplenbg pisil sa kanyang puwet. Walang kaso iyon, mas makapal ang suksok mas bastos ang haplos na kapalit. Pero para sa babaeng nasa entabladong naka plaster ang mapang akit na ngiti. Ang lahat ng iyon ay parang sineng nais niyang dumaan lamang sa kanyang paningin, sa kanyang tenga sa kanyang damdamin. Nais niyang sine lamang iyong na pagtapos ng Show ay makakalimutan ng tao at makakalimutan niya rin. Pero yun ay malaking sana lamang..... Pagkatapos ng nakakapagod na pag indak at nakakaakit na pagsasayaw ay namatay ang ilaw at muli ay kadiliman ang masasaksihan. Yun naman ang sasamantalahhin ni Juliana para samsamin ang perang hagis ng mga naaliw at nalibugan sa sayaw niya pagkatapos ay agad ng bababa ng entablado para magpalit ng damit at bumalik sa totoo nitong trabaho sa lugar na iyon ang pagiging Janitress. "Magkano kinita mo Babe?" salubong agad sa kanya ni Renzo. "Kapag kumota ka bili mo ako ng bagong helmet ha luma na eh” Bungad agad ng kanyang ng kasintahan. “Luma na? eh diba kakabili mo pa lang yan mga dalawang buwan pa lang yun ah” Paalala ni Juliana. “Eh luma na yun Babe, sige na ha ibili mo na ako mukhang marami kang saboy ngayoy eh mas marami pa yan bukas dahil sabado” Sabi ni Renzo. "Eh bukas kaya ano naman kaya ang ipabibili mo?” Nang iinis na tanong ni Juliana. “Anong tono yan? Nagsasawa ka na bang bilhan ako ng gusto ko? Pabigat na ba ako sayo? Mayabang ka na ba dahil mas malaki na ang kita mo sa waiter na tulad ko?” Sabi ni Renzo. Hindi na lamang kumibo si Juliana pagod siya at kapag sumagot siya alam niyang sa away mauuwi ang usapan. Pero si Renzo ang nagtuloy ng salita. “Baka naman nakakalimutan mo na ako ang nagsabi kaya Boss Genesis na ikaw muna ang ipalit dahil nabuntis yung dancer na pang biyernes. Baka nakakalimutan mo na halos lumuhod ako sa may Ari ng club pagbigyan lang dahil unang una hindi ka kagandahan at ikalawa ayaw mong maghubad” Sabi ni Renzo. “Oo na ...Oo na. Ibibili ka na nga. Takbo tayo ng divisoria bukas bago magbukas ang club” Sabi na lang ni Juliana para matapos na total hindi naman siya nanalo dito kahit na kelan. “Yes nice, yan ang gusto ko sayo Babe eh mapagbigay ka.Lika nga dito pagod ka ba” Sabay kabig sa kanya ni Renzo. Sanay na si Julian sa ganitong eksena. Mahigit isang taon narin na palaging sunod ang luho nito magmula ng magsimula siyang sumayaw sa entablado. Noong una ay kapag biyernes lamang dahil tulad nga ng sumbat ni Renzo ipinakiusap lamang siya pero sa mga request ng costumer ay nadagdagan ng isa pang show ang dalaga tuwing sabado kung saan mas maraming tao at araw madalas ng suweldo. Ipinasok siya ni Renzo sa trabahong ito dahil na rin sa kakapusan niya ng pera. Nabanggit niya kase na namomoroblema siya sa pera dahil sa kinakailangan ng dialysis ng kanyang ama. Nang mga panahon na yun bago pa lamang ang relasyun nila ni Renzo. Naabutan na niya itong waiter sa club ng mag apply siyang waitress sana ang kaso nareject siya dahil maputi lang daw siya pero hindi kagandahan. Napakamot pa nga noon ng ulo si Juliana dahil waitress lamang sa isang club ay dapat artistahin wow. Nitong huli na lamang niya napaganto kung bakit dapat ay maganda. Dapat kase mai table ka ng mai table para madaming ladies Drinks at minsan malaki ang tip na mas malaki ang share ng may ari. Dahil sa sobang pangangailangan ay nakiusap siya sa may ari na kahit janitress na lamang. Papabor kase sa kanya ang trabaho sa gabi dahil siya ang nagbabantay sa ama na nagda dialysis. Bukod sa pag ja-janitress sa Club ay side line naman ni Juliana ang pagtitinda ng kung ano ano a harap ng kanilang bahay. Mabuti na lang at may dalawang malapit na pabrika sa kanila kaya't tiba tiba ang kape noodles at kung ano ano pa. Kung makaipon ng punuhan ay balak niyang ipaayos ang bubong nila sa harap ng makapagbenta ng ulam at maging maliit na karendirya na lamang para mas makadagdag sa gastusin nilang mag ama. Minsan gustong magtampo ni Juliana sa ama, kung hindi sana ito manginginom at naging aware sa katawan ay hindi ito magkakasakit. Pero kahit noon pa Bata pa siya ay matigas na ang ulo nito at mahilig pa sa sigarilyo. Nakakaramdam minsan ng awa sa sarili ang dalaga dahil mag isa niyang binabalikat ang lahat lalo at naging pasaway din ang kanyang kuya. Dahil sa hindi inaasahang pangyayari ay nadawit ito sa kasalanang kahit siya ay hindi niya maiisip na magagawa ng kuya niya. mabait ang kanyang kapatid kahit medyo mabarkada bukod pa sa wala naman siyang ibang pamilya. Gustuhin man niyang maging matayog ang pangarap alam ni Juliana na sa kinasasadlakang mundo, malabong makahanap siya ng ginto. Ipinapagpapasalamat na lamang niya at mahal siya ni Renzo at naniniwala ito sa kanya. Si Renzo ang naging sandalan niya para harapin ang araw araw na bigat sa balikat niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD