THIRD PERSON POV
Nagsha-shower si Charles nang muli na namang tumunog ang kanyang phone na nasa ibabaw ng kanyang kama. Umusal siya ng mahinang mura. Umaasang hindi si Laura ang tumatawag. Katatapos lamang nilang mag-usap ng best friend ng kanyang fiancée over the phone kanina at wala namang pinatunguhan ang pag-uusap nilang iyon.
Padabog na tinapos ni Charles ang pagsha-shower. Hinablot ang tuwalya mula sa towel rack at pinunasan ang basang katawan. Pagkatapos ay nakabuyangyang ang hubad na katawang lumabas ng en suite bathroom habang pinapatuyo ang buhok gamit ang tuwalya. Naglakad patungong kama para kuhain ang cellphone. Basta na lamang niyang inihulog ang tuwalya sa sahig.
Kathleen ang nabasang pangalan ni Charles sa screen ng kanyang cellphone. Hindi si Laura ang tumatawag, pero si Kathleen ay isa rin sa mga kaibigan ng kanyang fiancée. Isa pang sakit ng kanyang ulo.
Sinagot ni Charles ang tawag sa pormal na tono ng boses.
Charles: Hello.
Kumunot ang noo ni Charles nang marinig ang paghikbi ni Kathleen mula sa kabilang linya.
Charles: Kathleen?
Pautal-utal ang pagsasalita ni Kathleen nang sumagot ito.
Kathleen: Ch-Charles, we-we need to talk. Ple-Please.
Pumikit ng mariin si Charles at nagpakawala ng malalim na buntung-hininga. Pilit na pinapakalma ang sarili.
Charles: What is it this time, Kathleen?
Humihikbi pa rin si Kathleen nang muling magsalita.
Kathleen: Ch-Charles, please. Le-let's meet tonight.
Muling humugot ng malalim na paghinga si Charles.
Charles: Nag-usap na tayo kanina. Muntik pa tayong mahuli ng kaibigan mo. Ano pa ang gusto mong sabihin?
Ilang segundong puro hikbi lang ni Kathleen ang maririnig mula sa kabilang linya. Gusto nang tapusin ni Charles ang tawag, pero hindi niya maikakailang curious siya sa gustong sabihin ni Kathleen.
Kathleen: Th-this is something re-really im-important. Ma-magkita tayo, Charles. Please?
Naroon ang pagmamakaawa sa tinig ng boses ni Kathleen. Tumingala sa kisame si Charles at muling nagpakawala ng malalim na paghinga.
Charles: Okay. Message me kung saan magkikita.
Humihikbi pa rin si Kathleen nang sumagot.
Kathleen: O-okay.
Tinapos na ni Charles ang tawag at pabalibag na ibinato ang phone niya sa ibabaw ng kama. It's been days na iniiwasan niya si Kathleen mula nang magtapat ito ng totoong damdamin para sa kanya. Para sa kanya ay hindi magandang tingnan na sinasamahan pa rin niya ito kahit alam niyang may gusto ito sa kanya.
Naaalala pa rin niya ang gabing umamin ito sa kanya na mahal siya nito.
Tulad nang mga nagdaang gabi ay umiiyak na naman si Kathleen sa loob ng kotse ni Charles. Naglalabas ng hinaing tungkol sa ex-boyfriend nitong si Tony na best friend ni Charles. Kilala na ni Charles si Kathleen bago pa niya makilala ang kaibigan nitong si Chelsea na fiancée na niya ngayon. Naging malapit siya kay Kathleen dahil kasintahan ito ng best friend niya at madalas ay isinasama siya ng dalawa sa mga dates nito.
Madalas ay tinutukso ni Tony si Charles na third wheel daw siya kaya naman pabiro siyang nakiusap kay Kathleen na ipakilala sa isa sa mga kaibigan nito. At dahil doon kaya niya nakilala si Chelsea.
Nilingon ni Charles si Kathleen na nakaupo sa passenger seat ng kanyang kotse.
Charles: Okay ka na ba, Kathleen?
Mabagal na tumango si Kathleen na katatapos lamang umiyak.
Kathleen: Salamat, Charles, at lagi kang nandiyan para pagaanin ang loob ko. Kahit hindi na kami magkarelasyon ng best friend mo ay concerned ka pa rin para sa akin.
Ngumiti si Charles kay Kathleen.
Charles: No need to thank me, Kathleen. Kahit hiwalay na kayo ni Tony, you’re still one of my fiancée’s friends. Lahat ng kaibigan ni Chelsea ay itinuturing ko na ring malapit sa akin.
Mapaklang tumawa si Kathleen.
Kathleen: Alam mo, Charles, minsan ay naiisip ko, kung ikaw siguro ang una kong nakilala, malamang ikaw ang naging boyfriend ko at hindi iyong talipandas mong best friend.
Ngumiti lamang si Charles sa sinabing iyon ni Kathleen. Hindi sineryoso ang sinabi ng kaibigan ng kanyang fiancée.
Masuyong tumingin si Kathleen kay Charles.
Kathleen: Sa bawat pagdamay na ginagawa mo para sa akin, unti-unti akong nahuhulog sa iyo, Charles.
Nabigla si Charles sa narinig mula sa kaibigan ng kanyang fiancée. Hindi makapaniwala sa inamin nito sa kanya.
Charles: Kathleen---
Tumango si Kathleen sa harap ni Charles.
Kathleen: Oo, Charles. Mahal na kita. Matagal mo nang napalitan ang best friend mo rito sa puso ko.
Hindi alam ni Charles ang isasagot sa ipinagtapat sa kanya ni Kathleen. Nanatili siyang tahimik at iniwas ang tingin dito.
Ilang sandali lang ay bumulwak muli ang mga luha mula sa mga mata ni Kathleen. Tiningnan ni Charles si Kathleen. Hindi niya alam kung ano ang gagawin at ang sasabihin sa oras na iyon. Hinayaan niya lang na umiyak si Kathleen.
Maya-maya ay tumigil din sa pag-iyak si Kathleen. Iniangat nito ang ulo at tumingin sa kanya. Hilam ng luha ang mga mata.
Kathleen: Matagal na akong naka-move on kay Tony, Charles. And thanks to you rahil nagawa ko 'yon nang dahil sa 'yo.
Hindi makapaniwalang nakatitig lang si Charles kay Kathleen. Hinahanap sa mga mata ng babae ang katotohanan.
Kathleen: 'Yong mga gabing umiiyak at nasasaktan ang puso ko rahil kay Tony, lahat 'yon palabas ko lang. Palabas ko para madamayan mo ako.
Tumawa ng mapakla si Kathleen.
Kathleen: Kahit man lang sa mga panahong 'yon ay makasama kita. Makita ko ang mukha mo. Maamoy ko ang nakababaliw mong amoy.
Umangat ang kaliwang kamay ni Kathleen para haplusin ang kanang pisngi ni Charles. Mabilis na iniwas ni Charles ang mukha. Nanlalaki ang mga matang nakatitig sa kaibigan ng fiancée.
Charles: Nagsinungaling ka para makasama mo lang ako?
Tumango si Kathleen habang nakangiti kay Charles.
Hindi alam ni Charles kung ano ang mararamdaman sa mga oras na iyon. Bilang lalaki, masarap sa pakiramdam na malamang may babaeng handang gawin ang lahat para makasama siya. Pero engaged na siya. At si Kathleen ay kaibigan ng babaeng pakakasalan niya. Tingin niya ay parang balewala lang dito ang kaibigan basta masunod lang ang gusto.
Hindi niya rin gusto na nagsinungaling si Kathleen sa kanya. Na ginamit nito ang best friend niya para mapalapit sa kanya.
Charles: I'm getting married to your friend, Kathleen. Why are you doing this?
Biglang naging seryoso ang nakangiting mukha ni Kathleen.
Kathleen: Dahil hindi ko na kayang kimkimin pa, Charles. Ikakasal na kayo ni Chelsea kaya habang maaga pa ay malaman mo nang may isa pang babaeng nagmamahal sa iyo.
Umiling si Charles at painsultong tumawa.
Charles: That's not love, Kathleen. Akala mo lang ay mahal mo ako rahil ako ang laging nandiyan para sa iyo. It's not love.
Kathleen: No! Kilala ko ang sarili ko, Charles! Mahal kita!
Nagulat si Charles sa biglang pagtaas ng tono ng boses ni Kathleen. Halos sumisigaw na ito. Kung titingnan ang mukha ni Kathleen ay parang maging ito ay nagulat sa ginawa.
Tinitigan ng matagal ni Charles si Kathleen. Hinintay itong kumalma. Humihingal si Kathleen nang mag-iwas ng tingin kay Charles.
Kathleen: I-I'm sorry.
Tuminging muli si Kathleen kay Charles at nasa mga mata nito ang paghingi ng paumanhin.
Kathleen: Pwe-pwede mo na akong ihatid sa bahay, Charles.
Itinuon na ni Kathleen ang paningin sa labas ng bintana ng kotse habang si Charles ay tahimik na sinimulang paandarin ang kotse.
Simula nang araw na iyon ay iniiwasan na ni Charles si Kathleen. Hindi na rin niya sinasagot ang mga tawag nito. Ngayon na lang ulit at iyon ay dahil sa ipinagtapat nito sa kanya kanina sa official engagement party nila ni Chelsea. Tingin niya ay may kinalaman sa ipinagtapat nito sa kanya kanina ang sasabihin nito sa kanya mamaya.
Matapos makapagbihis ni Charles ay sinilip niya sa kwarto nito ang ina. Tulog na ito. Nagmadali siyang bumaba ng bahay at pagkalabas ay tinungo agad ang kotse. Pinaandar ang sasakyan at binasa ang message ni Kathleen na nagsasabi kung saan sila magkikita.
Pagkalabas ng kotse ni Charles sa gate ng kanilang malaking bahay ay mabilis niyang pinasibad ang sasakyan. Hindi napansin ang sasakyan na nakaparada sa di-kalayuan.
Naniningkit ang mga mata ng taong nakasakay sa kotse sa may di-kalayuan habang nakatunghay sa papalayong sasakyan ni Charles. Maya-maya ay pinaandar na nito ang sariling kotse para sundan ang kotse ni Charles.
----------
itutuloy...