THIRD PERSON POV
Masayang-masaya si Chelsea habang isa-isang tinitingnan ang mga taong nakaupo sa palibot ng mahabang mesa na s-in-etup niya sa malawak na hardin sa labas ng kanilang bahay ng asawang si Charles.
Limang araw na mula nang makabalik sina Chelsea at Charles galing sa kanilang honeymoon. Dumiretso agad sila sa kanilang bagong bahay na iniregalo ng ama ni Chelsea sa kanilang mag-asawa.
Kaya naisipan ni Chelsea na imbitahan sa kanilang bagong bahay ang pamilya at kamag-anak, pati na rin ang kanyang mga matatalik na kaibigan para sa isang salo-salo.
Sa malawak na hardin sa labas ng kanilang bahay naisipan ng mag-asawang Chelsea at Charles na gawin ang salo-salo. Nagpaluto ng maraming pagkain si Chelsea sa mga kasambahay na kinuha rin ng kanyang ama para sa kanilang mag-asawa.
Kanina ay isa-isa nang nagdatingan ang mga imbitado para sa isang simpleng salo-salong iyon.
Naroon ang ama at ina ni Chelsea na sina Brandon at Glenda. Nakarating din ang tito at tita ni Chelsea na sina Greg at Gelli.
Dumalo rin sa kasiyahan ang kapatid ni Chelsea na si Christian kasama ang girlfriend nitong si Catherine. Pati na rin ang pinsan ni Chelsea na si Vincent kasama ang misis nitong si Cassie.
At syempre hindi mawawala ang mga matatalik na kaibigan ni Chelsea na sina Graciela, Kathleen, Laura, at Priscilla.
Chelsea: Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na I'm already married. Kinasal ako sa lalaking ipinagkaloob sa akin ng langit.
Kitang-kita sa nakangiting mukha ni Chelsea ang sobrang kagalakan.
Lalong gumaganda si Chelsea sa paningin ng mga mahahalagang tao sa kanyang buhay dahil nagniningning ang kanyang mga mata nang mga oras na iyon.
Glenda: I can see the happiness in your eyes, anak. Your Daddy and I are so happy for you.
Masuyong nginitian ni Glenda si Chelsea.
Chelsea: Sobrang saya, Mommy. Masarap magmahal itong mister ko.
Kumapit pa si Chelsea sa kaliwang braso ni Charles at isinandal ang kanyang ulo sa kaliwang balikat nito.
Malawak ang ngiting nakapaskil sa mukha ni Charles. Nang mapadako ang tingin nito sa direksyon ni Kathleen ay nakita nito ang pinipigil na galit sa mukha ng babae.
Mabilis na iniwas ni Charles ang tingin mula kay Kathleen.
Brandon: Hijo, bakit nga pala wala sina balae? Noong official engagement party ninyo ay hindi nakadalo si Dimitri, noong kasal naman ninyo ni Chelsea ay nagmamadali siyang umalis.
Marahang tumawa muna si Brandon bago nagpatuloy sa pagsasalita.
Brandon: Ngayon ay wala ulit siya pati ang ina mo rin. Masyado ba silang busy?
Naramdaman ni Chelsea na parang nanigas ang katawan ni Charles matapos marinig ang tanong na iyon ng kanyang ama sa kanyang asawa.
Nilingon ni Chelsea si Charles. Nakakapit pa rin siya sa braso nito. Tuluyan na siyang tumigil sa pagkain.
Charles: Ma-marami lang pong inaasikaso sa trabaho, Daddy. Don't worry. Next time ay papupuntahin ko po sina Daddy at Mommy dito para mabisita nila kami ni Chelsea.
Tinitigan ni Brandon si Charles at pagkatapos ay tumango-tango.
Hindi pa rin gustong ipaalam ni Charles sa pamilya ng asawa nito ang tungkol sa naging problema sa pagsasama ng mga magulang nito nang dahil sa isa sa mga kaibigan ng misis nito. Si Laura.
Naging babae ng ama ni Charles si Laura at nang matuklasan nito na si Laura ang babae ng ama ay nangako ang babae na lalayuan ang ama ni Charles kung hahayaan ng lalaki na iparamdam dito ni Laura ang pagmamahal para rito.
Dahil sa hindi gustong tuluyang masira ang pagsasama ng mga magulang ay pumayag si Charles sa kagustuhan ni Laura hanggang hindi pa ito nakakaisip ng paraan para patigilin si Laura at ang iba pang kaibigan ng misis nito sa panunukso rito.
Pasimpleng tumingin si Charles kay Laura at nakita nitong pangisi-ngisi ang babae bago sumubo ng pagkain.
Vincent: Next time siguro ay mababalitaan na naming magkakaroon na ng apo sina Tito Brandon at Tita Glenda.
Nagsitawanan ang ibang mga taong naroon dahil sa tinuran ni Vincent.
Greg: Naku, anak. Bigyan mo muna kami ng apo bago ang pinsan mo.
Muling nagtawanan ang ibang taong nakadulog sa mahabang mesa ngunit nakita ni Chelsea na medyo sumama ang mukha ng asawa ni Vincent na si Cassie.
Malakas na tumikhim si Cassie na nagpatigil sa pagtawa ng ibang taong naroon sa malawak na hardin.
Cassie: Vincent and I are still adjusting sa buhay na mayroon dito sa bansa. Having a baby is the least of our concerns right now.
Narinig ni Chelsea ang malakas na pagsinghap ng kanyang Tita Gelli rahil sa sinabi na iyon ni Cassie.
Nakita rin ni Chelsea na tumiim-bagang si Vincent.
Gelli: Pero, hija, hindi na kami bumabata ng Daddy Greg mo. Mas maganda kung nagpa-plan na kayo ni Vincent na magkaanak.
Nakita ni Chelsea na humigpit ang pagkakahawak ni Cassie sa dinner knife at naramdaman din niyang tumataas ang tensyon sa paligid.
Kaya naman mabilis na iniba ni Chelsea ang usapan. Bumitiw na siya sa pagkakakapit sa braso ni Charles at muling hinarap ang pagkain.
Chelsea: Oh, Tita Gelli. Marami akong pasalubong sa iyo. I bought your favorite perfume brands.
Kitang-kita ni Chelsea ang pagkasabik sa mukha ni Gelli rahil sa kanyang sinabi.
Gelli: Oh, hija. I can't wait to see your pasalubong. Itong Tito Greg mo kasi ay wala ng time para bilhan ako ng mga ganyan.
Umismid pa si Gelli kay Greg na ikinailing ng lalaki.
Christian: Naku, Tita. Baka may iba nang nireregaluhan si Tito?
Sinundan ng malakas na tawa ni Christian ang sinabi nito ngunit walang natawa sa biro nito.
Sinamaan pa ng tingin ni Gelli ang pamangking si Christian ngunit nagkibit-balikat lamang ang lalaki.
Glenda: That's not a good joke, anak. Busy lang talaga ang Tito Greg mo. Just like your Daddy Brandon. Pero kapag may free time ay bumabawi naman sa akin.
Matamis na ngumiti pa si Glenda sa asawang si Brandon na ginantihan naman ng mister nito.
Nagulat pa silang lahat nang biglang kumalansing ang mga kubyertos na hawak ni Priscilla. Nabitiwan nito ang mga iyon at bumagsak sa platong nasa harapan nito.
Agad namang humingi ng paumanhin si Priscilla.
Priscilla: Forgive my clumsiness, everyone.
Ngumiti si Priscilla sa lahat bago muling itinuloy ang pagkain.
Catherine: Siguro ay gawain mo iyon. Ipinapasa mo lang sa Tito Greg mo.
Agad na napalingon ang mga taong nakapalibot sa mahabang mesa kay Catherine.
Naniningkit ang mga mata ni Catherine habang nakatingin sa boyfriend nitong si Christian.
Nahahapong tumingala si Christian at nang titigan si Catherine ay naroon ang pagkairita.
Christian: Here we go again with your petty accusations. Umayos ka nga. Mahiya ka naman sa kapatid ko. Buti nga isinama pa kita rito kahit nakakawalang-gana ka.
Sunud-sunod na pagsinghap ang maririnig sa paligid matapos sabihin iyon ni Christian.
Nabigla ang ibang taong naroon na kayang pagsalitaan ni Christian ng ganoon ang girlfriend nito sa harapan ng maraming tao.
Nakita ni Chelsea na parang napahiya ang mukha ni Catherine.
Glenda: Christian Visitacion!
Sinita ni Glenda ang anak na may halong pagbabanta sa tinig ng boses nito.
Malalim na nagbuntung-hininga si Christian at umiling. Maya-maya ay itinuloy nito ang pagkain.
Sa mga sumunod na sandali ay iba't iba ang naging topic ng usapan habang kumakain ng lunch ang bawat isa.
Busy ang lahat sa pagkukwentuhan nang biglang maramdaman ni Charles ang paang marahang naglalandas sa kanang binti nito.
Agad na iniwas ni Charles ang kanang binti nito mula sa mapang-akit na paang iyon. Iginala ni Charles ang paningin sa lahat ng mga taong naroon sa paligid ng mahabang mesa.
Hanggang sa huminto ang paningin ni Charles sa taong nakatitig dito.
Nakipagtitigan si Charles sa babaeng iyon para makumpirma kung ang babaeng iyon ang nagmamay-ari ng paang naglandas sa kanang binti ng lalaki kanina.
Ang babaeng ito na akala ng lahat ay di makabasag-pinggan at sobrang konserbatibo ay may itinatago palang lihim.
Lihim na tanging ito lamang at si Charles ang nakakaalam.
Sigurado roon si Charles dahil punung-puno ng kolorete ang mukha ng babaeng ito sa gabi ng stag party ng lalaki kaya alam ni Charles na hindi nakilala ang babae ng mga kaibigan nito.
Abala ang lahat sa kani-kanilang pagkukwentuhan kaya walang nakapapansin sa pasimpleng titigan ni Charles at ng babaeng nakangisi na ngayon sa harapan ng lalaki.
At nang muling maramdaman ni Charles ang paang naglandas sa kanang binti nito ay tumaas ang isang kilay ng babae na tila hinahamon si Charles.
Ikinuyom ni Charles ang dalawang palad at buong lakas na iniatras ang kanang binti para hindi na maabot pa iyon ng paa ng babae.
Wala sa loob na ngumising pabalik si Charles sa babae nang makita ang dismayado nitong mukha.
Tumaas pa ang dalawang kilay ni Charles na parang sinasabi sa babae na hindi agad nito mapapasuko ang isang Charles Kasivic.
Ilang sandali pa ay iniwas na ni Charles ang tingin nito mula sa babaeng iyon.
Ang babae ay walang iba kundi si Graciela.
Si Graciela na walang bahid dungis sa mata ng lahat ng tao maliban kay Charles na alam na alam ang totoo nitong pagkatao.
Maya-maya ay nagkanya-kanyang libot na sa loob ng bagong bahay ng mag-asawang Chelsea at Charles ang kanilang mga bisita.
Nasa kusina ng malaking bahay nina Chelsea at Charles si Priscilla at tinitingnan ang mga kasangkapan doon nang bigla nitong maramdaman ang paglibot ng isang matigas na bisig sa baywang nito.
Nagulat si Priscilla at agad na nilingon kung sino ang taong nasa likuran nito.
Nanlaki ang mga mata ni Priscilla nang makita sa likuran nito ang ama ng kaibigang si Chelsea.
Si Brandon Visitacion.
Madiing isinandal ni Brandon ang likod ni Priscilla sa malapad na dibdib nito.
Brandon: I missed you, my vixen.
Matapos ibulong iyon ni Brandon sa kanang tainga ni Priscilla ay marahan nitong kinagat ang tainga ng babae.
Impit na umungol si Priscilla.
Priscilla: Daddy, ba-baka mahuli tayo ng misis mo?
Agad na itinaas ni Brandon ang dulo ng suot na dress ni Priscilla gamit ang kaliwang kamay nito at mabilis na ipinasok sa loob ng suot na purple thong ni Priscilla ang kamay nito at sinapo ang hiyas ng babae.
Kagat-labing umungol ng mahina si Priscilla.
Priscilla: Daddy...
Halos madurog ang mga ngipin ni Priscilla dahil sa pagtatagis ng mga iyon.
Pilit pinipigilan ni Priscilla ang pagkalat ng init sa buong katawan nito rahil plano na nitong hiwalayan ang kasintahang si Brandon at ibuhos ang lahat ng atensyon sa lalaking iniibig nito.
Si Charles.
Si Charles na asawa ng kaibigan ni Priscilla ang lalaking iniibig nito.
Brandon: Basa ka na, my vixen. Dripping wet.
Hindi makapaniwala si Priscilla na ganoon pa rin ang epekto ni Brandon sa sistema nito.
Marahang pinalo-palo ni Brandon ang hiyas ni Priscilla at nang akmang ipapasok na ni Brandon ang dalawang daliri nito sa loob ng yungib ni Priscilla ay biglang may tumawag dito.
"Brandon? Hon?"
Tinatawag si Brandon ng misis nitong si Glenda.
Agad na lumayo si Brandon kay Priscilla at mabilis na lumabas mula sa loob ng kusina at sinalubong ang misis nito.
Si Priscilla ay lumabas sa backdoor ng kusina.
Sa likod-bahay ay nakita ni Priscilla na may dalawang taong masinsinang nag-uusap. Agad na nagtago si Priscilla sa gilid ng pader para hindi maistorbo ang dalawang taong iyon.
Kumunot ang noo ni Priscilla nang mapagsino ang dalawang taong iyon.
Sina Kathleen at Christian.
Inisip ni Priscilla kung ano ang pwedeng pag-usapan ng dalawang ito.
Mukhang maraming itinatagong lihim ang kaibigan ni Priscilla na ito.
Noong nakaraan ay nahuli ni Priscilla na kasama ni Kathleen si Charles sa dis-oras ng gabi nang tumawag si Priscilla kay Charles at si Kathleen ang sumagot ng tawag.
At ngayon naman ay kausap ni Kathleen ang kapatid ng kaibigan nilang si Chelsea at sa tantiya ni Priscilla ay parang may pinagtatalunan sina Kathleen at Christian.
Kung ano iyon ay aalamin ni Priscilla.
----------
itutuloy...