THIRD PERSON POV
Salit-salitang naglalandas ang dila ni Tony sa dalawang binti ng babaeng nakatuwad sa ibabaw ng kama. Minsan ay sinasamahan pa ng pagkagat ng mga ngipin ni Tony ang pagromansa sa makinis na mga binti ng babae na ikinakahalinghing nito.
Nang tumaas ang dila ni Tony sa mga hita ng babae ay mas lumalaki ang pagkakabukaka ng mga hita ng babae sa ibabaw ng kama. Naaamoy ni Tony na kumakatas na ang hiyas ng babae at maliban doon ay nagsisimula na ring mamasa ang dalawang singit ng babae dahil sa mga likidong lumalabas mula sa yungib nito.
Napangisi si Tony. Alam niyang nasasabik na ang babae na pasukin ng kanyang alaga ang basang-basa nang yungib nito.
Sa tuwing nagkikita si Tony at ang babae ay palaging sabik na sabik itong matikman ang kanyang alaga. Ang sinasabi ng babae kay Tony ay hindi na ito napaliligaya ng asawa nito at si Tony na ang bumubuhay sa pagnanasa nito sa laman.
Sandaling pinasadahan ng tungki ng ilong ni Tony ang hiwa na nasa pagitan ng mga hita ng nakatuwad na babae na siyang naging dahilan ng mahinang pag-ungol ng babae.
Matapos amuy-amuyin ni Tony ang katas na nagmumula sa basang perlas ng babae ay sinapo naman niya ang dalawang pisngi ng pang-upo ng babae at pinisil ng mariin. Napabuka ang bibig ng babae ngunit walang tinig na lumalabas mula roon.
Inalog-alog pa ni Tony ang dalawang pisngi ng pang-upo ng babae bago niya inalayan ng mabining halik ang mga iyon. Napangiti ang babae nang maramdaman ang mga labi ni Tony sa pang-upo nito. Para sa babae ay hindi ito magsasawa sa mga labing iyon ni Tony.
Mula sa dalawang pisngi ng pang-upo ng babae ay sunod na naglandas naman ang mga labi ni Tony sa makinis na likod ng babae. Habang hinahalik-halikan ni Tony ang likod ng babae ay inaamoy-amoy din niya iyon.
Kabisado na ni Tony ang amoy ng paboritong pabango ng babae. Tuwang-tuwa pa nga ito dahil inuwian ito ng pamangking babae ng ilang bote ng paborito nitong pabango ang matapos ang honeymoon ng pamangkin nito sa isang beach resort and spa.
Para kay Tony ay hindi nakakasawang amuyin ang mabangong amoy ng paboritong perfume ng babae na minsan ay kumakapit pa sa kanyang katawan matapos nilang magtalik.
Ang babaeng ito na kaulayaw ni Tony nitong mga nakalipas na buwan ay ang babaeng ipinalit niya sa kanyang dating girlfriend na si Kathleen.
Halos pitong taon ang itinagal ng relasyon nina Tony at Kathleen at kahit hanggang ngayon ay masasabi niyang may parte pa rin sa kanyang puso ang bumubulong na mahal pa rin niya ang dating kasintahan. Ngunit walang balak si Tony na pakinggan ang mahinang bulong na iyon ng kanyang puso.
Para kay Tony ay nakapagdesisyon na siya at kailangan niya itong panindigan.
Nasaktan ang kalooban ni Tony nang makita niyang halos magunaw ang mundo ni Kathleen nang makipaghiwalay siya rito. Hindi niya intensyon na pasakitan ang damdamin ng kanyang dating kasintahan ngunit kinailangan niya iyong gawin dahil mas maibibigay ng babaeng ipinalit niya rito ang mga pangangailangan niya sa buhay.
Hindi inaasahan ni Tony na darating sa kanyang buhay ang pagkakataong may lalapit na isang mayamang babae sa kanya para alukin siya ng malaking halaga ng pera. Ang kailangan lamang niyang gawin ay ang makipagrelasyon sa babae at makipagtalik dito kung kailan nito gustuhin.
Nag-alangan pa noong una si Tony dahil inalala niya kung ano ang magiging ibig sabihin niyon sa relasyon nilang dalawa ni Kathleen. Ngunit nang maisip ni Tony ang buhay ng kanyang pamilya sa kanilang probinsya ay agad din naman siyang nakabuo ng isang desisyon. Isang desisyon kung saan kailangan niyang isakripisyo ang pagmamahalan nilang dalawa ni Kathleen.
Nang sigaw-sigawan, pagmumurahin, at sumbat-sumbatan si Tony ni Kathleen ay tinanggap niyang lahat iyon dahil alam niyang siya ang may kasalanan kung bakit nasira ang relasyon nilang dalawa at kung bakit niya ito nasaktan.
Hindi tinanggap ni Kathleen ang rason ni Tony na hindi na niya ito mahal nang makipaghiwalay siya rito. Inisa-isa pa ni Kathleen sa kanya ang mga araw na labis silang naging masaya habang magkasama at ang mga pangakong inusal nila sa isa't isa kasama ang mga pangarap na sabay nilang binuo.
Tandang-tanda pa ni Tony ang araw na iyon na halos magmakaawa si Kathleen sa kanya na huwag niya itong hiwalayan.
Mahigpit na nakahawak sa kaliwang kamay ni Tony ang dalawang kamay ni Kathleen habang nakayuko itong lumuluha. Si Tony ay hindi makatingin ng diretso kay Kathleen at nakakuyom ang kanang palad para pigilan ang nagbabadyang pagpatak ng kanyang mga luha.
Kathleen: B-baby, bakit? A-anong nagawa kong mali? B-bakit nakikipaghiwalay ka na sa akin?
Tumingala si Tony sa kisame ng kanyang apartment unit at malalim na nagbuntung-hininga.
Tony: K-Kath, b-baby---
Sandaling tumigil sa pagsasalita si Tony dahil pakiramdam niya ay may nakabarang bikig sa kanyang lalamunan nang mapagtantong iyon na ang huling gabing matatawag niyang "baby" ang babaeng kanyang iniibig.
Tony: I-iba na 'yong nararamdaman ko para sa 'yo. H-hindi na tulad ng dati.
Nang sabihin iyon ni Tony ay naramdaman niyang humigpit ang pagkakakapit ng mga kamay ni Kathleen sa kanyang kaliwang kamay.
Mariing pumikit si Tony para hindi tuluyang tumulo ang kanyang mga luha at nang muling magsalita ay nanatili siyang hindi nakatingin kay Kathleen.
Pakiramdam ni Tony ay mas mahihirapan siyang makipaghiwalay kay Kathleen kung titingnan niya ito sa mga mata nito.
Tony: H-hindi na ako nae-excite sa tuwing magkikita tayo. T-tapos kapag magkasama tayo, h-hindi na ako masaya. H-hindi ko na maramdaman 'yong madalas mong sinasabi na spark sa pagitan nating dalawa.
Muling tumigil sa pagsasalita si Tony nang mahagip niya sa kanyang peripheral vision ang pag-iling-iling na ginagawa ni Kathleen sa kanyang gilid.
Parang madudurog ang puso ni Tony nang maramdaman niya ang pagpatak ng mga luha ni Kathleen sa kanyang kaliwang bisig. Sa puntong iyon ay parang gusto niya itong yakapin para pawiin ang sakit na nararamdaman nito nang mga oras na iyon nang dahil sa kanya.
Kathleen: B-baby, b-baka nararanasan mo lang ngayon 'yong sinasabi nilang sawa factor na dumarating sa isang relasyon kapag matagal na? B-baka may kailangan lang tayong baguhin sa mga ginagawa natin? O kaya, b-baka kailangan ko lang mag-effort pa ng husto p-para bumalik 'yong dati?
Dinig na dinig ni Tony ang pag-iyak ni Kathleen na sumasabay sa pagsasalita nito na para bang gusto na niyang bawiin ang kanyang pakikipaghiwalay dito.
Ngunit alam ni Tony na hindi para sa kanya ang ginawa niyang pakikipaghiwalay kay Kathleen kundi para sa kanyang pamilyang umaasa sa kanya.
Kathleen: K-kasi, baby, hindi naman ganoon kadaling mawawala 'yong love natin para sa isa't isa. S-six years 'yon, eh. Tony, six years.
Habang naririnig ni Tony ang gumagaralgal na tinig ng boses ni Kathleen ay lalong nagiging mahirap para sa kanya ang pigilin ang mga luhang nangingilid sa kanyang mga mata.
Kathleen: N-noong nakaraan lang, nag-celebrate pa tayo ng b-birthday mo. S-sabi mo, next birthday mo, sa p-province niyo tayo magsi-celebrate p-para maipakilala mo na ako ng personal sa family mo.
Kinagat ni Tony ang kanyang ibabang labi nang maalala ang araw na iyon.
Ipinagluto si Tony ni Kathleen ng kanyang mga paboritong pagkain para sa kanyang kaarawan at pagkatapos ay nakipag-video call pa silang dalawa sa kanyang pamilyang nasa probinsya. Tuwang-tuwa pa ang kanyang ina nang malamang ipinaghanda siya ng mga pagkain ni Kathleen para sa kanyang kaarawan.
Kathleen: A-alam mo bang e-excited na ako para roon? K-kasi 'di ba alam mo 'yong naging buhay ko kasama ang mga magulang ko? H-hindi ko naramdamang may pamilya ako, baby, h-habang lumalaki ako.
Humugot ng malalim na paghinga si Tony at malakas na nagbuga ng hangin paitaas sa kisame ng kanyang apartment unit.
Kathleen: S-si Tita Melody, i-ipinaramdam niya sa akin na part ako ng family ninyo k-kahit hindi pa nila ako nakikita ng personal. A-alam mo bang natutuwa ako kapag tinatawag niya akong "anak"?
Gustung-gusto na ni Tony na yakapin si Kathleen para patigilin ito sa pag-iyak ngunit kung gagawin niya iyon ay paniguradong bibigay siya at baka bawiin pa niya ang pakikipaghiwalay niya rito na siyang hindi magandang desisyon kung ang pinapahalagahan niya ay ang kanyang pamilya.
Kathleen: K-kasi kahit kailan ay hindi ko naramdaman na may magulang akong nagmamahal at nagmamalasakit para sa akin.
Nang tumigil sa pagsasalita si Kathleen ay hindi na napigilan ni Tony ang kanyang sarili at nilingon niya ito.
Doon na tuluyang tumulo ang luha ni Tony nang makitang nakayuko si Kathleen habang nakakapit pa rin ang dalawang kamay nito sa kanyang kaliwang kamay at yumuyugyog ang mga balikat nito dahil sa pag-iyak.
Parang nahahati ang puso ni Tony dahil sa nakikitang anyo ni Kathleen nang mga sandaling iyon. Siya ang dahilan kung bakit naghihirap ang kalooban nito ngayon.
Muling iniwas ni Tony ang kanyang mga mata mula kay Kathleen at maya-maya ay muli itong nagsalita.
Kathleen: Totoo nga talaga 'yong sinasabi nilang minsan kung sino pa 'yong mga hindi natin kadugo o kaano-ano ay sila pang magpaparamdam sa atin na may pamilya tayo.
Dinig na dinig ni Tony ang kalungkutan sa tinig ng boses ni Kathleen.
Kathleen: K-kaya kung nakikipaghiwalay ka na sa akin, Tony, ang ibig sabihin ay hindi lang mawawala sa akin ang lalaking minamahal ko kundi pati ang mga taong itinuturing ko nang pamilya.
Sa puntong iyon ay hinarap na ni Tony si Kathleen.
Marahang binawi ni Tony ang kanyang kaliwang kamay mula sa pagkakahawak ng dalawang kamay ni Kathleen at sa nahihirapang tinig ng boses ay kinumpirma niya ang pakikipaghiwalay niya rito.
Tony: Please, Kath, s-sana ay maintindihan mo ang desisyon kong ito. Maniwala ka, m-mas magiging maayos ang buhay mo kung mawawala ako sa 'yo.
Parang gustong bawiin ni Tony ang sinabi niyang iyon ngunit kailangan niyang tigasan ang kanyang loob para sa kanyang piniling desisyon.
Tony: M-marami ka pang makikilalang lalaki na mas mamahalin ka ng higit pa sa pagmamahal na ipinaramdam ko sa 'yo.
Tuloy-tuloy pa rin sa paghagulgol si Kathleen habang umiiling ito sa harapan ni Tony.
Kathleen: N-no. S-sinasabi mo lang 'yan.
Maya-maya ay marahas na pinunasan ni Kathleen ang mga luha nito.
Kathleen: M-may iba ka na bang mahal, Tony, k-kaya sinasabi mong hindi mo na ako mahal?
Matiim ang titig na ipinukol ni Kathleen kay Tony.
Kathleen: Sabihin mo sa akin, Tony. May ibang babae bang involved?
Natigilan si Tony nang marinig ang tanong na iyon ni Kathleen.
Gustong aminin ni Tony ang totoo ngunit alam niyang mas masasaktan si Kathleen kung malalaman nito ang katotohanan.
Tony: W-wala, Kath. Walang ibang babae. H-hindi ko na gustong pahirapan pa natin ang ating mga sarili k-kaya ko ito ginagawa.
May hinanakit sa mga mata ni Kathleen nang umiling ito sa harapan ni Tony.
Kathleen: No, Tony. Hindi mo gustong pahirapan ang sarili mo kaya mo ito ginagawa.
Sandaling tumigil sa pagsasalita si Kathleen at marahas na pinahid ang luhang naglandas sa pisngi nito.
Kathleen: Pero ako, sinasaktan mo ako sa pakikipaghiwalay mong ito sa akin. Napakadali mong sumuko.
Gustong sabihin ni Tony kay Kathleen na hindi niya ito sinusukuan at nakikipaghiwalay lamang dito para sa pamilyang umaasa sa kanya.
Ngunit naisip ni Tony na mas mabuting magalit na lamang sa kanya si Kathleen kung iyon ang magiging daan para mas madali siya nitong makalimutan. Sa kaisipang makakalimutan din siya ni Kathleen pagdating ng panahon ay parang may mabigat na batong nakadagan sa puso ni Tony.
Ngunit kailangang tiisin ni Tony ang sakit ng pakikipaghiwalay niya kay Kathleen para sa kanyang pamilya.
Umaasa si Tony na pagdating ng panahon ay maiintindihan din ni Kathleen ang kanyang naging desisyong ito sa buhay.
Nagtaka ang babaeng kasama ni Tony sa loob ng hotel room na iyon nang bigla siyang tumigil sa kanyang pagromansa rito.
Naniningkit ang mga matang humarap ang babae kay Tony mula sa pagkakatuwad nito sa kama.
Kinabahan si Tony nang makita ang galit na mukha ni Gelli Visitacion.
Gelli: What happened, Tony? Don't tell me at iniisip mo na naman ang babaeng iyon. Baka gusto mong magpapunta ako ng tao sa pamilya mo sa probinsya ninyo ngayon? Ano, Tony?!
Biglang nanlaki ang mga mata ni Tony nang mahimigan ang pagbabanta sa tinig ng boses ng kanyang kasintahan si Gelli.
Oo, kalaguyo si Tony ni Gelli Visitacion, ang asawa ni Greg Visitacion na tito ng isa sa mga kaibigan ng dati niyang kasintahang si Kathleen.
Tony: P-pasensya na. M-may iniisip lang.
Nagpupuyos ang kaloobang bumaba mula sa kama si Gelli at dumiretso sa loob ng en suite bathroom ng kwartong iyon.
Gelli: Paglabas ko ng banyo ay siguraduhin mong wala ka na rito! Nawalan na ako ng gana!
Iyon ang isinigaw ni Gelli nang nasa loob na ito ng banyo kaya naman agad-agad na isinuot ni Tony ang kanyang mga pinaghubarang damit at walang lingon-lingong lumabas ng kwartong iyon.
Balang araw ay iiwan din kitang, babae ka.
----------
itutuloy...