THIRD PERSON POV Nanlaki ang mga mata ni Kathleen nang makita ang inilapag na pearl bracelet ng kaibigang si Chelsea sa ibabaw ng center table na naroon sa sala ng kanyang bahay. Hindi siya makapaniwalang napunta rito ang bracelet na iyon. Ang bracelet na nakuha niya mula sa isa pa nilang kaibigan. Technically, hindi niya kinuha iyon. Nahulog iyon nang komprontahin siya ng kanilang kaibigang si Priscilla noong araw na hindi sinasadyang makita niya ito sa loob ng isang supermarket. Noong isang araw pa niya iyon hinahanap. Wala siyang ideya na nalaglag pala iyon sa harap ng kanyang apartment unit at nakita ng kaibigan niyang si Chelsea. Hindi niya alam kung dapat ba niyang ikatuwa na walang ibang taong nakakuha niyon maliban sa kaibigan dahil ang ibig sabihin ay pwede na nitong ibalik s

