Fern Araojo INAYOS KO ang sarili habang nakatingin sa salamin, sinuot ko ang uniporme na binigay sa akin. Blouse na kulay puti at skirt na masikip na kulay itim. Ang sabi naman sa akin, pwedi rin akong magsuot ng slacks na itim o iba pang pang-itaas na kahit ano basta blouse. Nakalugay lang ang buhok ko at medyo kulot sa dulo. Sinubukan kong titigan ang mukha ko, iniisip kung sino ba ang kamukha ko. Kung ang mama ko ba o ang aking ama. Napabuntong hininga ako at lumabas na ng bathroom. Nasa hallway pa lang ako naglalakad ay nakita ko na si Garreth kausap ang kapatid nito na si Malcom. Nagkatinginan kami saglit bago bumaba ang mga mata niya sa katawan ko, sa suot ko. Black pants o slack lang naman kasi ang lagi kong suot. Akmang lalapitan niya ako pero tinawag siya ng kapatid at pinasuno

