Fern Araojo NILAGOK NI Garreth ang alak niya habang nakahilig sa upuan at mataman akong tinitignan. Napanguso siya nung bumaba ang tingin sa aking damit kaya bigla akong nahiya at napayuko. Mas maigi sana kung hindi kami nagkikita araw-araw, hindi ako mahihiya. Pero… “After you danced, you went out to your client and went to some hotel rooms?” Hindi ako sumagot, ano pa ba ang rason para sagutin ko iyan kung tingin ko ay alam naman na niya nangyayari rito. Tsaka, ano pa ang irarason ko kung na-booked na nga niya ako, diba? Maniniwala ba siya kung sabihin ko na hindi ko naman ito ginagawa? Oo, sumasayaw nga ako, nagpapahawak at nagpapahalik. Pero hindi para iuwi at dalhin kung saan. “You can drink, I paid for this for you.” Tinuro niya ang alak pero napairap lang ako sa kanya. “I’m curio

