Fern Araojo TANGINANG KUPAL yun, walang pinipiling lugar para mambastos. Anong akala niya sa mga babae? Papatulan siya at luluhuran? Sasambahin? Madaling makuha? Napakagat ako ng labi at pinatong ang dalawang paa sa lamesa. “Paano kung nakilala niya ako?” bulong ko sa sarili. Kaya siguro galit na galit? Pero… madilim sa club tsaka dalawang beses pa lang kami nagkita roon. Matagal tagal na rin yun at halos ilang buwan na ang nakakalipas. Imposible na natatandaan niya ako, sumunod nung nangyari ay hindi ko na siya nakita pa sa bar. “Fern!” madiin na tawag sa akin ng sekretarya ni Mr. Nicholas Vargaz tsaka simangot na pinasadahan ang ayos ko. Aligaga akong napaayos ng upo at tinanggal ang paa na nakapatong sa lamesa. Mabilis akong tumayo at malambing itong nginitian. “Yes po?” I sweetly

