Fern Araojo NAPAANGAT AKO ng tingin nung binaba ni Mama ang laptop ko. Agad rumahan ang tingin ko sa kanya sa pag-aakalang si Sky iyun. She smiled at me and sat in front. “Ilang araw na simula dumating tayo, aren’t you gonna go out with brother and enjoy outside? Hindi ka ba nababagot dito? Kasama ang mga kasambahay at nagtatrabago agad?” “Hindi naman, ma…” half-truth, half-lie. Takot pa rin ako na lumabas at makilala. “I heard Sky is going out tonight, hindi ka sasama sa kapatid mo? Sumama ka mag-enjoy.” “Inaya ako kanina ma, lalabas kami mamayang hapon. Mamasyal kasama ang mga kaibigan niya.” Doon ay mukhang napanatag naman siya at mas magaan na ang ngiti. “That’s right, make some friends. Mababait ang kaibigan ni Sky, you should go with them.” NAGING MADALI naman sa akin na maki

