Fern Wright MARIIN ANG titig ni mama habang nilalagay ni Sky ang iilang gamit ko sa sasakyan ni Garreth. Garreth was top focus to bond with Sky, kaya siguro isinasantabi na ni mama ang pag-iisip na maaaring ang dahilan ng pag-alis namin ay para sa akin. For her, it is so impossible for Vargaz to like us. She doesn’t like the idea too. “Don’t worry, Ma. Tatlong araw lang naman…” Sky kissed Mama’s cheek and went to the car to open the door for me, in the back seat. Pinaliwanag ni Sky na hindi naman talaga dapat ako kasama, pero naisip niyang I should take a break from work and go with them. Pinalabas niya pang sabit lang ako sa pagsama sa kanilang lakad ni Garreth. Dahil nag-aalala rin si mama sa maaaring kalokohang gawin ni Sky ay wala siyang nagawa kundi hayaan akong sumama. “Mauna na

