Fern Araojo NAPATAAS AKO ng kilay sa tanong ni Garreth sa akin tungkol sa gagawin ko sa Sabado. Napag-usapan naman na namin na sasama ako sa lakad niya, pumayag na ako. Basta ba at aayusin namin ang kontrata. Pero sa pag-aakalang makakatulong nga yun sa akin, parang napapaisip na ako ngayon kung tama ba ang naging suhestyon ko. “I don’t need to revise the contract because I have you on the evening. I do not mess up with work.” May sinulat siya sa papel at mabilis akong sinulyapan at ngumisi. “You think I am that thirsty to you na pati sa trabaho ay gusto ko ng s*x?” “At okay lang na humalik ka? Hindi mo ako pag-aari, Mr. Vargaz.” “That can be paid, as my penalty…” tumikhim siya. “Edi wala rin naman pala tayong dapat baguhin pa sa kontrata.” Tumayo ako at akmang aalis na sa tabi niya p

