Fern Araojo NAPAAWANG SIYA ng labi kung saan ko pinahinto ang sasakyan niya. Uminit ang pisngi ko dahil nakaramdam ng konting hiya, pero bakit ko ba iisipin na mahiya sa kanya dahil ganito ang lugar namin? Sino ba siya? At anong pakialam ko sa iniisip niya ngayon? “Ano? Ipapasok mo pa ba yung sasakyan mo sa loob?” hindi ko maiwasan na tudyuin siya at ngumisi. Nung bumaling ang matalim niyang titig sa akin ay sumeryoso ako at tumikhim. “Where is your house?” paos nitong bulong at napahilot ng sentido habang sinusulyapan ang mga bata na dumadampi ng hawak sa sasakyan niya. Ang isa roon ay may hawak pang stick at sinubukang paluin ang unahan ng sasakyan niya. Nakita ko ang marahas na pagbago ng itsura nito. “Huwag kanang bumaba, dito kana lang at kukunin ko yung damit.” Nagmamadali akong

