Fern Araojo BASA AKONG umuwi at hindi na dumiretso pa ng kompanya ni Mr. Nicholas Vargaz. Sa sobrang galit ko ay hindi ko na magawang bumalik sa kompanya at trabaho ko, sino naman ang gustong babalik sa ganitong ayos? Kaasar talagang spoiled brat na gagong yun. Tangina niya! Sumasayaw ako sa club, nakakarinig ng mga salitang ganun. Pero ano ba ang inaasahan ko sa lugar na iyun? Malamang puro kabastusan. Pero siya na nasa kanyang condo at nasa tamang pag-iisip, kabastusan at kawalang respeto ang laging ginagawa. “Ate?!” gulat si Mikay nung makita ako at halos mapalunok. Hindi dahil basa ako, kundi siguro hindi niya inaasahan na uuwi ako ng maaga. Maski ako ay nagulat din sa kanya. “A-anong nangyari sayo? Wala ng trabaho? Ang aga mo ngayon.” Kumunot ang nuo ko at pinasadahan siya ng t

