KABANATA 42

2047 Words

LAKAS SILANGANAN “LAKAS, I WILL remind you. . . anak-anakan kita. Then mahuhuli lang kitang tinitingnan mo ang mga bikini pictures ko?” irap na sabi ni Madam. “Ma, aksidente lang po ang lahat. Napindot ko lang po ang folder tapos hindi ko naman po inaasahan na bubungad sa akin ang mga iyon,” paliwanag ko. Nginitian ko siya. “Pero ang seksi ninyo po, Ma. Iba ka po talaga.” “Talaga?” aniya. Nakataas pa ang kilay niya na halatamg nagdadalawang-isip kung maniwala ba siya sa sinabi ko. “Yes po. Para ka lang talagang ate ng mga anak ninyo,” nakangiting pag-amin ko. Bumuntonghininga siya. “Salamat.” “Ma, bakit ka po bumalik agad?” tanong ko. “Wala na akong kasama roon sa dagat. Umalis na pala si Landi. Iyong isa namang kaibigan ko, bukas na lang daw siya maliligo sa dagat,” sagot ni Madam.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD