Chapter 2: Jessica

2070 Words
"Good morning po Tita," bati ko sa tiyahin ko pagpasok n'ya sa kusina. Sakto lang ang paggising n'ya dahil kakatapos ko lang magluto ng almusal. "Morning beh, ang aga mong gumising ngayon," aniya bago nagderetso sa lababo para magmumog at maghilamos. May pasok s'ya ngayon sa pabrika dahil lunes ngayon, t'wing Sunday ang off niya. Dati kasi mas malimit s'ya ang nauunang gumising sa aming dalawa para magluto ng aming almusal. Dakilang palamunin na nga ako tamad pa. "Mag-a-apply po kasi ako ngayon Tita," sagot ko habang nagtitimpla ng kape para sa aming dalawa. "Kain na po tayo." Naupo si Tita sa silya sa katapat kong upuan at humigop ng kape. "Saan mo ba balak mag-apply?" "Kahit saan po, basta may hiring," nakangiti na sagot ko. Gusto ko sanang biruin si Tita, na kung hiring sa mga club mag-a-apply din ako kaso baka ma-high blood s'ya nang maaga. "Kung hiring lang sa pabrika na pinapasukan ko mas gusto kong doon ka magtrabaho para mababantayan pa rin kita," sabi niya habang ngumunguya ng pagkain. "Si Tita naman, hindi na po ako bata para bantayan n'yo palagi," sabi ko, "Marunong na nga po akong gumawa ng bata." Napahawak ako sa noo ko pagkatapos kong sabihin iyon. Pinukpok kasi ako ni Tita ng kutsara niya. "Puro ka kalokohan. Mag-ipon ka muna bago paggawa ng bata ang iniisip mo," seryosong sabi niya, "Ako marunong din ako, matagal na pero kita mo hanggang ngayon wala pa rin akong nagagawang bata dahil wala pa naman akong ipon na malaki." Napanguso ako. "Eh Tita, kahit naman may malaki kayong ipon hindi naman kayo makakagawa ng bata kasama ng girlfriend n'yo. Hindi pa po na iimbento ang gamot para magkaroon ng semilya ang daliri at dila." "Aray ko po naman Tita!" sabi ko habang himas ang ulo na nagkabukol na yata dahil sa muli n'yang paghampas sa akin ng kutsara sa ulo, and this time mas malakas na iyon kung para noong una. "Ang dami mong alam na bata ka!" sabi niya bago tumayo. "Tapos na po kayo agad?" tanong ko. "Oo. Nawalan na ako ng gana dahil sa bunganga mo," sagot niya at iniwan na ako sa kusina. Natatawa na lang ako habang nakasunod sa kan'ya ng tingin. Pagkatapos ng usapan namin kahapon about sa tunay n'yang pagkatao pakiramdam ko mas naging close pa kami ni Tita, dahil naging open s'ya sa akin. At tingin ko naging maaliwalas din ang pakiramdam niya pagkatapos n'yang sabihin sa akin ang tungkol sa matagal n'ya ng inililihim. Isinubo ko na ang huling pagkain sa plato ko at uminom ng tubig bago tumayo at magsimulang magligpit ng pinagkainan namin ni Tita. "Mauuna na ako sayong maligo beh," sabi ni Tita, bago pumasok ng banyo. Lumingon ako sa kan'ya mula sa ginagawa kong paghuhugas ng plato. "Sige po Tita," sagot ko habang nakatingin pa din sa kan'ya. Pumasok na s'ya ng banyo dala ang tuwalya na nakasampay sa balikat niya. Ipinagbalot ko ng pagkain si Tita, para sa pagpasok niya bago ako pumasok sa k'warto ko. Inihanda ko lahat ng dadalahin ko mamaya pati na rin ang damit na isusuot ko. "Beh, tapos na ako," sabi ni Tita, pagkatapos n'yang kumatok sa pintuan ng k'warto ko. "Opo," sigaw ko. Kinuha ko na ang towel ko na nakasampay sa pintuan at agad lumabas ng k'warto para maligo. Lumabas ako ng banyo na nakatapis lang tuwalya. Nadatnan ko si Tita sa sala na nag-aayos ng gamit sa loob ng backpack niya. "Para sa'yo," sabi ni Tita. Iniaabot niya sa akin ang dalawang five hundred bills. Kinuha ko ang isang five hundred. "Tama na po ito Tita, may 200 pa naman po ako." "Kunin mo ng pareho, mas mabuti na 'yung may extra ka kesa saktuhan lang ang dala mo. Ibalik mo na lang sa akin kapag may tira pero kung wala, ayos lang naman," nakangiti na sabi niya. Alanganin na kinuha ko tuloy 'yung isa pang five hundred na inaabot n'ya. "Salamat po Tita," sabi ko. Hiyang-hiya na talaga ako sa kan'ya. Gunulo n'ya ang buhok ko na basa pa din na parang aso. "Nahihiya ka noh?" Hindi ako sumagot sa tanong niya. Bakit kasi tinanong n'ya pa, eh, halata naman na sa akin. Lalo tuloy akong nakaramdam ng nahiya. Hinampas n'ya ako sa braso habang natatawa. "Parang tanga ka. Bakit ka mahihiya eh, tiyahin mo ako? Para ka namang others." "Tita naman eh!" maktol ko. "Ewan ko sa'yo," sagot niya, "Aalis na ako. Ingat ka sa lakad mo and good luck." "Thank you po," nakangiti na sagot ko, bago bahagyang yumakap sa kan'ya "ingat din po kayo." Tinapik n'ya ako sa balikat bago s'ya kumalas sa yakap ko. Isinukbit n'ya na sa balikat ang bag niya at lumakad na papunta sa pintuan bago muling lumingon sa akin at kumaway ng nakangiti. Pagkaalis ni Tita, ay pumasok na ko sa k'warto ko at nagsimulang magbihis. Isang slack na kulay itim ang isinuot ko at tenernuhan ng kulay puti na long sleeve na itinupi ko hanggang siko. Nag-apply ako ng konting make up sa mukha ko bago tumayo at kinuha ang mga gamit ko. Lumabas ako ng bahay at sumakay ng tricycle para pumunta sa pakay ko. Medyo traffic na sa kalsada dahil madami ng sasakyan. Lunes kasi ngayon at maraming estudyante ang papasok pati na rin ang mga pumapasok sa office. "Manong, dito na pa ako sa tabi," pagpara ko sa tricycle na agad naman huminto sa tabi. Mabuti na lang talaga at kahit high way ang daan na dinaanan namin ay may tricycle lane. Dahil kung hindi makikipagsiksikan ako sa jeep. Pagkatapos kong magbayad kay Manong, ay agad akong bumaba. Inayos ko ng bahagya amg damit ko na medyo nalukot dahil sa pagkakaupo ko. Naglakad ako at naghanap ng mga karatula na may nakalagay na hiring pero wala akong nakita ni isa kaya nag-decide na lang ako na lumapit sa guard kahit walang nakalagay na hiring sa kanila. "Good morning po, hiring po ba d'yan sa kompanya niyo?" tanong ko, "Kahit anong trabaho ay pag-a-apply-an ko." "Meron Ms., iwanan mo na lang sa akin ang resume mo, ako na lang magpapasa, sarado pa kasi ngayon ang HR department," sagot ni Manong guard sa akin. Tumango ako at inabot sa kan'ya ang resume ko na inilagay ko sa isang envelope. Tama talaga ang desisyon ko na magdala ng mga extra envelope para sa mga ganitong sitwasyon. "Sige po Kuya, salamat po," paalam ko. Tumango lang si Kuya guard, sa akin kaya umalis na ako. Sunod kong pinuntahan ang sunod na building pero hindi daw sila hiring at itinuro ako sa pangatlong building mula sa kanila. Pumasok ako sa loob ng building na itinuro ni Kuya guard, kanina at pumunta sa HR department doon. Ibinigay ko ang resume ko pero kinuha lang nila iyon at sinabing tatawag na lang. Bagsak tuloy ang balikat na lumabas ako ng building na iyon. Padalawa pa lang iyon pero parang nakakaramdama na ako agad ng katamaran. Tumawid ako sa kabilang kalsada para doon naman subukan mag-apply. "Kuya, my hiring kaya sa loob ng kompanya n'yo?" tanong ko sa guard na nasa labas ng kompanya. "Oo, meron. Pumasok ka na lang sa loob at magtanong ka sa reception area," nakangiti na sagot ni Kuya guard. "Thank you po," sabi ko bago pumasok sa loob. Lumapit ako sa isang receptionist doon. "Ms. saan ang HR department n'yo dito? Mag-a-apply kasi ako," magalang na tanong ko. "Doon Ms., punta ka na lang doon," sagot ng receptionist sa akin, habang itinuturo ang isang glass door sa may gilid. "Thank you," sabi ko at umalis na doon para pumunta sa HR. Busy ang mga tao sa loob pagpasok ko. Alanganin akong kumatok sa isang table para kunin ang pansin nila. "Excuse po," nahihiya na sabi ko. Paano ba naman isang tao lang sana ang nais kong kunin ang pansin pero lahat sila ay nakatingin sa akin. Ayoko pa naman ng atensyon masyado. Ngumiti ako ng alanganin sa kanila. Nahihiya na tuloy ako. "Mag-a-apply lang po sana ako." "Sorry Ms., pero may nakuha na kami kanina lang," sagot sa akin ng isang sopistikadang babae. Tingin ko s'ya ang head ng HR department. "Ay ganun po ba? Sige po salamat," sabi ko, "Sorry po sa abala." Lulugo-lugo akong lumabas ng department na iyon. Kapag minamalas ka nga naman kung nauna lang sana ako, baka ako ang nakuha ng mga iyon kanina. Kung bakit naman kasi doon pa ako nag-umpisang maghanap ng trabaho sa kabilang kalsada. Kainis! "Manong, pabili!" sigaw ko sa paparating na tindero ng buko juice na nakita ko paglabas ko ng building na pinasukan ko kanina. Nauhaw ako bigla dahil sa pagka-badtrip. "Magkano po?" tanong ko nang huminto si Manong, sa harapan ko. "Bente isang bote na maliit, ineng," sagot ni Manong. Dumukot ako ng singkwenta pesos sa bulsa ko dahil iyon lang naman ang barya na meron ako. "Isa lang po Manong," sabi ko. Inabot ko kay Manong ang singkwenta pesos na hawak ko. Kinuha niya iyon kasabay ng pag-abot n'ya sa akin ng bote ng juice. Kaagad ko iyon binuksan at ininom ng deretso. Malambot naman ang buko kaya ayos lang na hindi na nguyain. "Magpokpok na lang kaya ako," bulong ko na natatawa. Usong-uso ang salitang sinabi ko sa isang app. Ang hirap maghanap ng trabaho. Kung hindi lang ako nahihiya na talaga kay Tita, kanina pa ako umuwi. Naghanap ako ng basurahan pagkatapos kong maubos ang buko juice ko bago muling naglakad para maghanap ulit ng trabaho. Bawat building ng kompanya na nadadaanan ko ay nilalapitan ko pero wala silang hiring. Pagod na ako at gutom dahil inabot na ako ng ala una ng tangahali sa kakahanap ng trabaho. May dumaan na tricycle na agad ko namang pinara. Uuwi na ako, ang sakit na ng mga paa at binti ko. Bukas na lang ulit ako susubok maghanap ng trabaho. "Naman! Tanghali na traffic pa din!" maktol ko. May kinse minuto na yata kaming nakatigil ni Manong, sa kalsada. Ang init-init kaya ang sakit na ng ulo ko. Bumaba ako ng tricycle para sumilip kung gaano ba kahaba ang traffic na nasa unahan. "Ang haba ng traffic Manong," sabi ko. "May banggaan daw po sa crossing," sagot ni Manong sa akin. Kakamot-kamot ang ulo na uupo na sana ako ulit sa loob ng tricycle ng mahagip ng mata ko ang isang malaking building na may nakasulat na wanted personal assistant. Binasa ko ang pangalan ng building na iyon, Heard Incorporation ang nakasulat. Kinuha ko ang cellphone ko at nag-search ng tungkol sa kompanya na iyon dahil parang narinig ko na iyon dati. Ang daming lumabas sa research na ginawa ko. Kaya pala pamilyar ang pangalan ng kompanya na ito dahil masyadong kilala ang may ari niyon. Si Ms. Megan Heard, twenty two years old, dalaga at kilala sa tawag ng ilang naging empleyado nito na, devil boss, cold hearted bicth. Natawa ako sa mga nabasa ko. Nakalagay rin sa mga binabasa ko na walang kahit sino ang tumatagal na empleyado nito dahil kahit konting pagkakamali lang ay agad nitong sinesesanti. May sumubok magreklamo pero walang ni isang nanalo. "Manong, ito po bayad ko. Dito na lang ako bababa," sabi ko. Inabot ko kay Manong, ang isang isang daang piso. Pagkakuha ko ng sukli ay naglakad na ako papunta sa building ni Ms. Heard. "Manong, saan mag-a-apply para dito sa posisyon na ito?" tanong ko habang nakaturo sa malaking karatula na nasa gilid. "Sigurado ka bang gusto mong mag-apply para d'yan?" natatawa na tanong ni Manong. "Nag-search ka ba kung anong klaseng amo ang paglilingkuran mo kung sakalaing matanggap ka?" Tumango ako. "Yes po. Nabasa ko na po lahat ng article kung gaano kabagsik si Ms. Heard." Nagulat si Manong sa sinabi ko at hindi agad nakasagot sa akin. "Manong," untag ko sa kan'ya. Ang OA naman kasi ng reaksyon n'ya. Akala mo big deal na iyong sinabi ko. "Sorry. Nagulat lang ako na nabasa mo na lahat ng iyon pero gusto mo pa ring mag-apply," sagot ni Manong, "Pasok ka sa loob, hanapin mo si Ms. Alvarado." "Sige po salamat," sabi ko at pumasok na sa loob. Iiling-iling si Manong guard sa akin habang tinatanaw ako. Nagkibit-balikat lang ako. Bakit ba? Ang laki kaya ng sahod. So, bakit hindi ko susubukan 'di ba? Sayang iyon, thirty thousand pesos iyon kada buwan, aayawan ko pa ba? Para akong nagtampo sa bigas kapag ginawa ko iyon. Ika nga, basta may opportunity, grab it!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD