CHAPTER 7

2284 Words
Chapter 7: Villa Ciesta & connections "KAILAN ko kaya mararamdaman ang mahalikan mo ang isang tulad ko, Nica?" "Kailan ko kaya mararamdaman ang mahalikan mo ang isang tulad ko, Nica?" "Kailan ko kaya mararamdaman ang mahalikan mo ang isang tulad ko, Nica?" Paulit-ulit na umalingawngaw ang boses niya at mga katagang narinig ko mula sa mga labi niya. Parang hindi maalis sa utak ko at nadikit na yata kaya iyon lang talaga ang maririnig ko. Nahihibang na nga ako... "M-Mahalikan?" nagugulat kong sambit. Bakit mahalikan? "I'm just kidding, Nica," sabi niya at humalakhak habang ipinagpatuloy ang pagmamaneho niya. Dahil sa sobrang inis ko sa kanya ay inabot ko ang buhok niya. Kahit maikli lang iyon ay nagawa kong hilahin pababa na ikinadaing niya. Akala niya, ha! Hindi ko ito gagawin sa kanya! "Ouch, Nica!" sigaw niya at gamit ang isang kamay niya ay hinuli niya ang braso ko pero dahil nagda-drive siya ay hindi niya magawang tanggalin ang pagkakasabunot ko sa kanya. Takot din naman siya na maaksidente kaming dalawa. "p*****t! Sinasabi mo sa akin na wala kang binabalak na gawin sa akin pero mukhang hinihiling mo pa ang mahalikan ako, ha!" asik ko sa kanya at mas humigpit ang paghawak ko sa kanyang buhok. "Your hand, Nica. That's enough!" he shouted at me. "Nagbibiro lang talaga ako. Ang sarap mong asarin, eh!" he reasoned out. Napangisi ako nang makita ko ang pamumula ng batok at leeg niya. Doon ko lang siya binitawan at umayos sa pagkakaupo saka ako bumalik sa pagkain ko ng fries. Hinimas-himas niya ang nasaktan niyang buhok at pokerface lang siya na nakatingin sa harap. Kumuha ako ng isang piraso ng fries at inilapit iyon sa kanyang bibig. Umigting ang panga niya nang makita iyon at tiningnan ako pero sa huli ay inirapan pa rin niya ako. "Masakit iyon, Nica," parang batang saad niya at tila naghahanap din siya ng kakampi. Aw, poor King. Wala siyang kakampi. "Alam ko. Kaya peace offering `yan," sabi ko at nginusuan ko ang fries. Kahit mukhang iritado siya ay tinanggap pa rin niya ang inalok ko sa kanya. "Don't say that again in front of my face, King. Kakaiba ako kapag nainis, lalo na kung hindi magandang joke iyon, ah," pagpapaalala ko sa kanya. Nabigla naman kasi ako sa sinabi niya. Bakit gusto niya akong halikan? At seryoso rin ba siya sa sinabi niyang panakip butas? Hindi ko gagawin iyon. Hindi ko gagawin sa kanya ang bagay na iyon. Hindi niya deserve. Magmo-move on ako, na sarili ko lang ang gagawa no'n. Na ako lang ang magtuturo sa sarili ko na kalimutan ang feelings ko para kay Jade. Ayokong gumamit ng iba para lamang sa kapakanan ko. Sa biyahe ay nakatulog ako. Sa layo ba naman ng probinsyang pupuntahan namin at nakakapagod pala. "Welcome to Villa Ciesta, Nica," sabi ni King nang huminto ang sasakyan niya sa isang naglalakihang gate at nakikita rin ang malaking mansion o villa... May malaking nakadikit din na placard sa gate na nagngangalit Villa Ciesta. "Wow..." nasambit ko na lamang dahil sa pagkamangha. Sa Sta Rosa Province ang lugar na ito at ngayon lang ako nakakakita ng ganitong kaganda at kalaking villa in my entire life. Bumukas ang itim na gate at pinaandar ulit ni King ang kotse niya. Nauna siyang bumaba at dahil din sa pagkamangha ko ay agad din akong lumabas. Pinasadahan ko ng tingin ang kabuuan ng lugar na ito. "Ang ganda..." namamanghang sabi ko. "Mr. Dwight! Welcome to my Villa Ciesta!" masiglang sigaw naman ng isang ginang at ang mahigpit na yakap agad ang isinalubong niya kay King. Magkakilala na nga sila. "Mrs. Ciesta, magandang hapon po," King politely greeted the woman. If I'm not mistaken ay kasing edad niya lang ang Mommy ko. Oh, na-miss ko bigla si Mom. Maganda siya, mestiza ang kutis. Kaya mas nadepina ang kaputian niya sa suot niyang asul na bestida na hindi naman old fashion. Maganda ang pagkaka-design nito. Nakabungkos ang kanyang itim na buhok. Maganda ang mga mata niya, matangos ang ilong. "Good afternoon din sa `yo, Mr. Dwight," sabi pa nito. My eyebrows form into line. Did she calls King, Mr Dwight? Family name na kaya iyon ni King? Kasi wala naman siyang sinabi tungkol sa surname nila. Kaya baka iyon na ang King Dwight? Ang ganda ng buo niyang pangalan, ah. King Dwight... Gennica Dennise Dwight... Shet... Hindi bagay sa pangalan ko! Napahilot na lamang ako sa sentido ko ng na-realize ko ang naisip kong katangahan. Dinugtungan ko ba naman ang pangalan ko sa surname ni King pero hindi naman bagay. Tsk. O baka puwede rin siyang maging Gennica Dennise del Acosta-Dwight... I smirked nang nakontento na ako sa pagdugtong-dugtong ko ng pangalan namin. Hay... Nagsitaasan na naman ang balahibo ko sa aking katawan nang hinawakan ako ni King sa likod ko at hinila. "I have companion, Mrs. Ciesta. Just call her Nica," pagpapakilala nito sa akin. Ang lapad-lapad ng ngiti niya nang makita niya ako. Saglit na pinasadahan pa niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa ko. Sa paraan na hindi naman ako maiinsulto. Dahil mukhang mabait naman ang ginang. Base pa lang sa magaan at light niyang aura. "Welcome to our Villa Ciesta, too Ms. Nica. You know what... I have a daughter... Come..." Pareho kaming hinila nito sa loob ng villa nila at wala na akong masasabi pa kundi, sobrang ganda talaga ng Villa Ciesta at parang lahat ng gusto mong gawin o kakailanganin mo ay nandito na lahat. Bet ko ang ambiance sa loob. Iyong tipong hindi ka nabo-bored sa place na ito at exciting ang mag-explore dito kung bibigyan ka lang ng permission na gumala sa villa nila. Tumungo kami sa receiving room nila at may malaking TV set doon. Para lang ako nasa isang hotel. Ganitong-ganito talaga ang feelings. Umupo ako sa sofa at katabi ko namang nakaupo si King. Nararamdaman ko ang pagtingin-tingin niya sa akin. Na parang bang gusto niya ring makita ang magiging reaksyon ko. Nilingon ko siya at nginitian. "Ang ganda rito. Parang gusto ko na lang manirahan dito habangbuhay," sabi ko at inabot niya ang buhok ko. Ang akala ko ay gagantihan niya ako sa ginawa ko sa kanya kanina sa kotse niya pero hindi pala. Hinawi niya lang ang buhok ko na nakatabi sa aking mukha at dinala iyon sa likod ng tainga ko. Mabilis kong naramdaman ang pamumula ng magkabilang pisngi ko dahil sa simpleng gesture niya at sa pagdikit ng balat niya sa akin. "Of course, you can't... May trabaho ka pang naiwan sa Manila," nakangising sabi niya sa akin kaya hinampas ko ang balikat niya. Humalakhak lang siya at natauhan lang kaming dalawa nang maalala namin na may kasama pa pala kami. Ngiti-ngiting nanonood pala sa amin si Mrs. Ciesta, nakaupo siya sa tapat namin kaya mabibigyan talaga siya ng magandang view. Ako ang nahiya for some reasons. Kaya kiming ngumiti na lamang ako sa kanya. Kahit wala siyang inutusan na mga kasambahay na magdadala ng snack namin ay may isang na palang babae ang lumapit sa aming direksyon at may dala-dala na siyang tray. Maingat na ibinaba niya iyon sa coffee table. "Hija, pakitawag ang anak ko," sabi ni Mrs. Ciesta sa kasambahay nila. Tumango ito saka siya tumalikod. "Come on, kumain na muna kayo ng miryenda. Sobrang layo nang biniyahe niyo kaya alam kong pareho kayong pagod, that's why after this...ipapahatid ko kayo sa magiging room niyo," sabi nito at inabot sa akin ang tea na magiliw ko namang kinuha. "Thank you po." "Isang room lang ba?" pilyong tanong pa nito at nagkukulay kamatis na naman ang pisngi ko. "We're just friends, Mrs. Ciesta," natatawa pang banat ni King dito. Gago... Tatawanan pa niya. "Saan ba nagsisimula ang relasyon ng magnobyo at magnobya, hindi ba sa pagkakaibigan?" Hala, ang dami namang alam ni Mrs. Ciesta at iyong love life namin ni King ang puntirya niya. "Kung hindi mo sinabi na friends lang kayo, Mr. Dwight ay iisipin ko talaga na mag-asawa kayo." "Aw!" daing ko nang hindi ko sinasadya na mapaso ang dila ko. Hindi lang talaga si King ang nagagawa akong pabiglain ay pati si Mrs. Ciesta! Ano'ng mag-asawa?! Hindi man lang nagsimula sa girlfriend and boyfriend, nor fiancée asawa agad! Umalingawngaw sa buong villa ang boses ng ginang at si King naman ay sinuri pa ang kalagayan ko pero pangisi-ngisi rin siya. Kinuha niya mula sa coffee table ang isang basong tubig at ibinigay iyon sa akin. "Be careful next time, Nica," mahinang usal niya. Wala sa sariling uminom na lang din ako ng malamig na tubig. "You're too affected, hija," naaaliw na sabi pa nito. "Actually, Mrs. Ciesta... We're just met in... yesterday night..." Siya naman ang nabigla dahil sa sinabi ni King. Kumuha ako ng cupcake at kumain no'n. "Really? How come na nagkasama kayo ngayon kahit na... sabihin na natin na stranger pa rin kayo sa isa't isa until now. How come na nakikita ko sa inyong dalawa na para bang... Ang tagal na ninyong magkakilala... You have sparks..." namamanghang sabi nito at palipat-lipat na ang tingin niya sa amin. What... Akala ko ba ako lang? Akala ko ay ako lang din ang nakararamdam ng sinasabi nilang sparks?! Aminin ko man o hindi ay totoong nararamdaman ko talaga siya. "Do you wonder?" she asked. King nodded his head. "Because we have connections, Mrs. Ciesta... The first time I laid my eyes on her... I know from the start... there's something with her, hindi lang po ang koneksyon ang nararamdaman ko," King stated and my jaw almost dropped on the floor. How did he say that?! What was that all about?! At ano pa ang nararamdaman niya maliban sa connections?! "How about you, Ms. Nica? Did you feel it?" she asked me. Dahil sa kaba at kakaiba rin na pakiramdam ay umiling ako. Hindi ko sinabi ang totoo. Na maging ako ay iyon din talaga ang naramdaman ko noong una...in denial lang ako dahil sinasabi ko talaga na napakaimposible ang bagay na iyon. "Aw, sayang naman..." sabi niya at lumungkot talaga ang mukha niya. Naiba na rin ang topic nang dumating ang anak niya. Inaasahan ko na maganda rin ito dahil halata naman sa mukha ng ginang. Magandang lahi at hindi nga ako nagkakamali. Pero ang hindi ko lang inaasahan ay ang pananamit niya na masyadong old fashion. Iyong bestida niya, umabot na yata sa talampakan niya at ang damit niya... Halos hindi na makita ang kanyang mga kamay. Hindi naman siya literal na nerd dahil wala naman siyang suot na eyeglasses pero iyong paraan ng pananamit niya. Ang mahaba niyang buhok na natural na brown yata ay nakapusod lang din at nang humarap siya sa amin ay mas namangha ako sa maamo niyang mukha. Her color eyes is light green, her curly eyelashes is so damn cute. Pointed nose and her pink lips. Ang ganda rin ng shape ng mukha niya, parang heart lang. At walang kahit na ano'ng kolorete sa mukha niya. May ikagaganda pala kapag wala kang inilalagay na make up sa mukha mo. Mukhang may lahi silang foreigner, sa eyes niya lang. "Hi," she greeted me. Ang boses niya na malamig pero may lambing iyon. "Hello," I greeted her back. She kissed her Mom on the cheek then she approached me. Nakipagbeso-beso pa siya sa akin at mabilis na yumakap. "We have a visitor pala here, Mama. Oh, hi Mr. Dwight." Nakipagkamay lang siya sa kay King at saka siya tumabi sa Mommy niya. "How's Manila?" Just like her Mom, napaka-light din ng aura nito. "Like the usual, Eljehanni." Eljehanni is her name? Wow, ang unique naman. "She have a weird outfit, right? Nagbago `yan nang makita niya ang Mr. Right niya," the ginang stated. "Mom!" mahinang suway nito sa kanyang ina. Natawa pa si King at ako ay ang pagngiti lang ang nagawa ko. "It's Eljehanni Elites Ciesta is the name? What about your girlfriend's name, Mr. Dwight?" "Just a friend, Elje." "Oh, friendzone..." she said and smirked. Hala! I thought maiiba na naman ang topic namin, at bakit bumalik?! "I'm Gennica Dennise, by the way," pakilala ko naman sa sarili ko sa kanya. "Gennica Dennise..." King uttered my name at hindi ko alam kung bakit nagustuhan ko ang pangalan ko na binibigkas ng mga labi niya. "You didn't tell me that Gennica Dennise is her your full name, Nica..." naaaliw na sabi niya. "You didn't ask naman," sabi ko at hayan na naman ang pag-pokerface niya. "I asked that." "Ikaw rin naman... King Dwight pala ang full name mo," I fired back at pinangliitan ko siya ng eyes ko. "King Dwight... Yeah, Dwight is my second name, Nica." "What? But what's your surname? Akala ko King Dwight lang," parang nagtatampo pang sabi ko kaya tumaas ang sulok ng kanyang mga labi. "It's for you to find out, Nica... We're just same..." "Can you feel the sparks, the ambiance my daughter?" Oh, shoot! May kasama pa pala kami! Huhuness naman! I forgot... Bakit ba kasi kapag nag-uusap na kami ni King Dwight ay nakalilimutan ko na may ibang tao pa pala kaming kasama?! Masyadong nakukuha lang talaga ni King ang buong-buo kong atensyon. Oh, gee... I realized something... It's very effective... Ang makalimutan ko saglit si Jade at nakukuha ng lalaking nasa tabi ko ang atensyon ko without effort. How come? "I'm sorry about that," nahihiyang sabi ko sa kanilang dalawa. Kulang na lang ay makita ko ang heart shape sa eyes nilang mag-ina. "It's okay... Naaalala ko sa inyo ang daddy ni Elje... Oh, my God... I miss my husband already. I call him," sabi niya at may hawak na siya agad na phone. "I'm glad na nakarating kayo sa villa namin, Mr. Dwight and Ms. Gennica..."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD