Ang Paghaharap ng Nakaraan

329 Words
Mahinang katok bago binuksan ni Martha ang silid aklatan na kung saan nag hihintay si Don Rapahel. "Magandang umaga po Don Raphael" bati ni Martha. Nag angat ng ulo si Don Rapahel. "Maupo ka Martha ilang beses ko ba sasabihin sau Raphael nalang sa susunod na tawagin mu akong Don di na kita papansinin" Napayuko si Martha. "Nga pala kaya kita gustong makausap naalala ko malapit na pala ang kaarawan ni Cassandra kaya nais kong maghanda ka at bigyan ng munting salosalo ang kaarawan ng iyong anak" "Naku po dina kailangan Don - este Raphael alam ko maiintindihan ni Cassandra ang mga bagay bagay. Napakabait ng anak ko kaya maiintindihan niya sitwasyon namin." "Martha alam ko, pero ako mismo ang may gusto na ipaghanda mo ang anak mo at sa susunod na buwan bibigyan na kita ng pang gastos para mabili niyo ang gusto niyo" "Ang patirahin mo kami at pakainin ay sapat na samin yun Raphael kaya di nako humihingi pa ng higit dun. At sana sa pag tulong ko sa mga gawain bahay ay masuklian ko ang kabaitan mu sa aming magina." "Pero Martha alam ko may pangangailangan pa kau kaya wag muna tanggihan pa ang gusto ko. Maliit na bagay lang 'to kaya wag ka ng tumutol pa." "Kung yan ang gusto mo pero nahihiya ako pero sige itatabi ko para sa pagaaral ni Cassandra.." Umiwas at napayuko si Martha sa hiyang nararamdaman sa pagtitig sa kanya ni Raphael. "May ipaguutos ka pa po ba?" basag ni Martha sa katahimikan. "Ah cge wala naman, yun lang Martha." sagot ni Don Raphael. Tumalikod na si Martha patungo sa pintuan ng silid aklatan at bago pa lumabas lumingon sya at muling nagtama ang kanilang paningin kaya dali dali sya lumabas.. Habang pababa, hawak hawak niya ang dibdib sa lakas ng kabang nararamdaman. Maya maya pa ay napaupo sya sa huling baitang ng hagdan.. ********** Please follow me to get updates on the next episodes ❤ Thank you! ❤
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD