Chapter 3

1729 Words
What Zeus said is really weird but at the same time it's familiar. I think I heard it somewhere pero hindi ko matanto kung saan ko ba narinig iyon at kailan. Is it possible na kasama iyon sa alaalang nawala sa akin? "Hi. Can you do me a favor?" I ask him a favor last night and now hihingi na naman ako ng pabor pero alam kong hindi niya ako tatanggihan. "Ano na naman ito, Schneider?" I knew it. Umupo ako sa kama. "Can you do a background check of Zeus Kraussford?" "Who's he?" "I met him sa school at parang may something sa kaniya. Hindi ko lang matanto kung ano" "Alright. I'll send it to you" Nagpaalam na ako. He's good on computer. Filipino rin siya but he grew up in orphanage. Sponsor niya ang parents ko kaya nakilala ko siya. Hindi ko alam iyon noong simula. Noong nag-college ako napansin ko siya, he's a transferee at parati siyang nakatingin at nakasunod sa akin at noong komprontahin nalaman kong hiningan siya ng pabor nina Mommy at Daddy na bantayan ako. Pinag-aral at binibigyan siya nina Mommy at Daddy ng pera at maliit lang naman na pabor iyon ay pumayag siya na bantayan ako. We got close. Hindi kami palaging nagsasama dahil iba ang environment na gusto namin. Masiyado siyang tahimik at para bang paranoid. Mas gusto niya ring nagi-isa. Hinahatid niya ako pauwi sa bahay pero palaging limang metro ang layo niya sa akin. Ayaw niyang napapalapit kahit kanino at ayaw niya rin hinahawakan. Kahit na ganoon ay palagi niya pa rin akong ginagawan ng pabor marahil ay dahil sa utang mg loob. He's a good IT. Magaling siyang mang-hack in simple term he's good on computers. I took a quick bath. Kinuha ko ang laptop at binusakan. Ilang minuto matapos mabuksan ay pumasok ang mensahe niya. Sinend niya ang documents containing Zeus Kraussford information. He's an orphan. 2014 when his parents died in an accident. They left him with nothing that's why he's earning his keep. Wala ni isang property ang mga magulang niyang iniwan sa kaniya o kahit na isang kusing but the mysterious thing is he got in the Cyprus Empire University. This is an elite school. Halos lahat ng pumapasok ay galing sa mga mayayamang pamilya o di kaya ay through scholarship. Wala rin siyang scholarship so how did he enter the school? Wala akong mahanap na dokumento regarding his entry. Wait 2014.... 2014.... Seven years ago... What happened seven years ago? The Mountain Villa! I research again the exact date of the accident. "Wah!" Napabuga ako ng hininga. Is this really a coincidence? His parents died the night the Mountain Villa Fire occurred. Wala akong mahagilap na article regarding his parents. Mukhang hindi sila galing sa mayamang pamilya. Who are you? I printed his face and name. Hinila ko palabas ng kurtina ang white board ko at idinikit ang kaniyang mukha at pangalan. Zeus Kraussford A mysterious club leader. Parents died the night the Mountain Villa Fire broke out. Katabi ng mukha ni Zeus ay ang taong walang mukha under it is a question mark. The one who sends me the information regarding the accident and the person who wants me to go home. Sa ilalim ni Zeus ay ang mukha ng reporter. Johnny Nuñez a reporter. Died after publishing a news regarding the Mountain Villa accident that claimed to be the Truth. This is not enough information. Hindi ko alam kung saan ako magsisimula. Kung kanino ako unang maghuhukay ng impormasiyon. The next morning ay inikot ko ang boung school. Wala namang weird sa school. Normal lang tulad ng ibang paaralan maliban na lang sa lokasiyon mito. Malayo sa city at halos walang kalapit na bahay at sa likod ay kagubatan na. "Nakapagdesisyon ka na ba?" Mabilis akong napalingon sa likod at nakita si Zeus. Nasa loob ng bulsa ng pantalon ang kamay at tulad kahapon he's still chewing a gum. "The goal of your club is to investigate. Hindi ko alam kung anong maitutulong ko sa club at kung may maitutulong ba. Kaya bakit ako?" "I did a background check on you" hindi ko ipinahalata ang gulat. Ganoon rin ang ginawa ko kagabi sa kaniya. "Halos lahat ng contest na gamit ang utak ay naipanalo mo. Your brain will help us" kumunot ang noo ko. His reason doesn't make any sense. He's the leader kaya malamang ay alam niya at may plano na siya. He doesn't need me or my ideas. "Alright" tumawa siya. "I did a background check on you last night at napag-alaman kong you're a good stalker" ngumisi siya. Ipinikit ko ang mga mata. Now this make sense. Haist! How did he know this? "Kinasuhan ka ng kaklase mo ng stalking. You stalk him, took pictures of his illegal deeds and upload it on social media accounts. Hindi lang siya. You have a page named under your school at doon mo ina-upload ang masamang ginawa ng mga estudyante sa paaralan niyo" "How did you know that I owned that page?" Gumamit ako ng foreign I.P address para hindi ma-locate ang location ko. "Those who are new on computers wouldn't find out. Ang totoo ay napakadaling i-locate ng location mo at nagma-may ari ng page kapag isang pro ang naghanap" iminuwestra niya ang malayong kanan ko. Sumunod sa kamay niya ang tingin ko at nakita si Spencer na tulad kahapon ay yakap-yakap pa rin ang laptop. So he's a hacker? "Ikaw ang ia-assign ko kapag kailangan nating i-stalk ang isang tao" Hindi ko alam kung saan ako magsisimula sa paghahanap ng impormasiyon sa nangyari pitong taon na ang nakakalipas kaya magbabakasali ako kay Zeus. "Alright. Anong unang kaso natin?" Ngumisi siya. "Malalaman mo mamaya" Tumunog ang bell so we parted ways. Hinanap ko ang room para sa araw na iyon. I observe the teachers and my blockmates. Wala namang kakaiba. Maybe the reporter is wrong. Kung may issue na may mga estudyante ngang nawawala dito why would they enroll in this school? Bakit naman magiging sikat ito sa mayayamang pamilya? Why would the parents risk their child? Baka hindi totoo ang ibinalita ng reporter at sinira lamang ang reputasiyon ng paaralan. Baka wala talagang koneksiyon. Baka coincidence lang ang pagkamatay ng reporter. Papaano kung mali pala ang simula ko? Papano kung wala pala dito? Tumunog ang bell hudyat na tanghali na. Tirik na tirik ang araw. Ayaw ko pa namang naiinitan. Masakit sa balat ang araw mabuti na lang at may puno na maaaring silungan. Halos wala ng tao sa building ng lumabas ako. Nag-cr pa kasi ako kaya natagalan ako. "Tulong!" "Oh my!" Napaatras ako sa sobrang kaba. "Bitawan mo ako!" "Tulungan mo ako!" May babaeng sumulpot sa hindi ko malaman kung saan galing. Mahigpit ang hawak niya sa braso ko at ayaw akong bitawan. Nakasout siya ng uniporme na madalas sinusout ng pasyente sa hospital. Magulo ang kaniyang buhok. Wala siyang sapin sa paa. May parte rin sa braso niya na dumudugo. "Teka-" "Hulihin siya!" May mga lalaking naka-uniporme na kulay asul ang papalapit sa amin. Namg makita niya ito ay mabilis na binitawan ng babae ang braso ko at tumakbo. "Tulong!" Umiiyak ang babaw at sabay sa sigaw niya ang hagulgol. Pinagmasdan ko ang mga estudyante, nakatingin lang sila sa babae, may iba pang tiningnan lang siya saglit bago nagpatuloy sa ginagawa. Sino ang babaeng iyon? Bakit parang wala lang sa kanila na may babaemg humihingi ng tulong? "May malapit na mental institution dito. Palaging nakakawala ang babaeng 'yan at palaging sumisigaw ng tulong. Baliw siya kaya huwag mo ng pansinin" Nadakip siya ng mga nakaunipormeng lalaki at halos nagwawala na ang babae. May kung anong itinurok sila sa babae na nagpawala sa malay niya. Nilingon ko ang lalaking nagsalita. "So normal na iyon sa inyo?" Tumango siya. "Yup. Don't make it a big deal" naglakad siya palayo. Iyon ang bumagabag sa akin sa boung maghapon. Papaano nakapasok ang babaeng iyon dito? The school is heavily guarded. Nakasarado palagi ang gate at binubuksan lang kapag may lalabas. Ang boung campus ay napapalibutan ng mataas na pader na hindi basta-bastang naakyat ng taong may sira sa utak. May bob wire ang taas ng pader kaya kung dumaan nga siya sa pader dapat ay mah sugat na siya pero wala. Ang likod ng paaralan ay mas mababa ang pader at may gate na sa likod nabubuksan. Ang likod at possible na dinaanan ng babae wala mg iba. Pumasok ako sa room ng club. Nandoon na silang lahat malibam kay Zeus. Tumabi ako kay Spencer. They are all busy looking at their phones. Nilingon ko si Spencer na nasa harap ng laptop ang tingin. "May itatanong sana ako" nilingon niya ako. "Ano? Kaya kong gawin ang lahat basta't abot ng wifi" tumango ako at ngumiti. "Can you check the location of the mental institution near the school" "May mental institution malapit sa school?" Si Victoria na mukhang narinig ang sinabi ko. "Meron. Isang kilometro ang layo ng mental institution. Hindi niyo siya makikita kung dadaan kayo sa normal route papuntang paaralan. Kung nakaharap kayo sa gate ng school mapapansin ninyo ang tatlong daan. Ang daan na tinatahak natin papasok at palabas ng paaralan. Ang kanang bahagi at ang kaliwang bahahi. Ang kanang bahagi ay ang mabilis na daan palabas at papasok ng paaralan pero dahil nandoon ang mental institution ay hindi nila pinayahan na dumaan ang mga estudyante doon" Isang kilometro ang layo ng mental institution mula sa paaralan kung gaoon mas mabilis na makakaabot sa highway na kung saan maraming dumadaan kaya bakit dito pumunta ang babae? Kung tumakas siya galing mental institution dapat ay papuntang highway ang tinahak niyang daan. Maliban na lang kung may nakaharang roon. Hindi siya dumaan sa gate dahil nakapasok siya sa paaralan ibig sabihin sa kagubatan siya dumaan pero wala ni isang galos ang babae. "May bob wire na inilagay limang metro ang layo mula sa paaralan para maipaalam na property na ng paaralan ang papasukan. Kahit ang matinong tao ay maaaring masugatan kung sakaling piliting makadaan papaano na lang kung wala sa tamang pagi-isip ang papasok?" Tama siya. Wala ni isang sugat ang babae. "May guwardiya ring nagbabantay sa kagubatan upang walang makapasok kaya papaano nakapasok sa paaralan ang babaeng 'yon?" Makakapasok lamang siya kung hindi siya galing sa mental institution at hindi siya tunay na wala sa tamang pagi-isip.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD