“BAWAL AKO HAMPASIN, BRUHA KA!!” pagsita ko kay May dahil kanina niya pa ako hinahampas-hampas sa braso ko, eh masakit nga! Wala naman akong fracture or what kahit na nabangga ako ng pesteng kotse na ‘yon kanina, kaya lang ay dahil na rin sa pagka-out of balance ko kanina ay mayroong scratches sa braso ko at sa tuhod ko. Medyo masakit din ang ulo ko ngayon pero overall ay okay lang naman ako. Ganito yata talaga kapag mahal ni Lord, eh! Mabait kasi akong bata. Hindi katulad ng Stacey na ‘yon na ubod ng sama ang pag-uugali. Ay, bakit ganoon, naaalala ko pa rin ang bruha na ‘yon? Sayang, akala ko pa naman ay nagka-amnesia ako katulad ng mga nangyayari sa teleserye! Sayang talaga, pero dapat pala ay nagpanggap ako kanina na may sakit ako kunwari tapos ang binungad ko pala dapat kaagad dito

