I cried a lot with so much pain! My heart was broken but can't complain! How foolish I am to love you still! I hate you!!!but I still love you!
For so much pain you've caused to me, it's time for me to let go and set myself free...
CHAPTER 1
" Hi Sheena! " Nakangiting bati ni Crystal sa secretary ng boyfriend niyang si Jude.
" Hello! Miss Crystal Lalo po kayong gumaganda ah! "
Nakangiti din nitong bati at papuri sa kanya!
" Thank you Sheena! Number one fan talaga kita! "
"Syempre naman Miss Crystal, kayo nga poh yata ang idol ng lahat ngayon eh..."
" Thank you! Tama na ang pambobola Sheena at baka maniwala na ako niyan sayo! "
" Totoo naman po naman talaga yun Miss Crystal eh! "
" Oh...siya sige na nga naniniwala na ko! Siya nga pala ang sir mo? "
" Naku mam wala pa poh si sir nasa condo pa poh niya..."
" Ah ganun ba..."
" Hindi poh ba alam ni sir na pupunta ka dito? " nagtatakang tanong nito sa kanya
" Hindi eh! Gusto ko kasi sana siyang isurprise! Kagagaling ko lang kasi ng taping at dumerecho na ako dito. "
" Ganun poh ba. This past few days poh kasi mam eh lagi ng late pumapasok si sir ng office! Tapos mukha pa pong laging problemado. " pambubuko nito sa sir nito.
" Ganun ba! Oh sige sheena I have
to go. "
" Sige poh miss Crystal! Bye. "
Pagkalabas ni Crystal ng opisina ni Jude ay habol siya ng tingin ng mga taong nakakasalubong niya na nagtatrabaho din at nag-oopisina sa building na yun.
Pagkakita naman sa kanya ng driver niyang si Mang Tony ay agad siya nitong inalalayan papasok ng kaniyang sasakyan.
" Mam Crystal saan poh tayo? Siyanga po pala mam tumawag na po ang mama ninyo! Tinatanong kung nasaan na tayo. "
" Ako na pong bahala kay mama mang Tony.
Daan po muna tayo sa Condo ni Jude. "
" Sige po mam kayo poh ang bahala. " sang-ayon naman nito sabay kamot sa ulo.
Maya-maya nga lang ay tumunog na ang cellphone niya. Ang mama niya ang tumatawag.
" Hello ma. Pauwi na rin po ako may dadaanan lang po kami ni mang Tony. "
" Okay mag-iingat ka! Siya nga pala itext mo man lang o tawagan ang papa mo para sabihin na pauwi ka na. alam mo naman yun lagi ng ako ang kinulit kung dumating ka na. Nakatawag na pala agad yun sa director ninyo at nasabing pack up ang shooting ninyo. "
" Yes ma! Si papa talaga! " tila nagrereklamo niyang wika.
" Ma wala ba kayong tiwala ni papa sa akin?tila nagtatampo niyang tanong sa ina? "
" Hindi naman sa ganun anak, kaya lang nag-iisa ka naming anak ng papa mo at gusto lang naming pag-ingatan ka! At kung talagang wala kaming tiwala sayo sa tingin mo ba papayagan ka naming mag-artista. Sige na anak mag-iingat kayo ni mang Tony ha. "
" Sige po ma bye poh. "
Dahil wala pang traffic ay nakarating agad sila ni mang Tony sa Condo ni Jude. Muli ay naiwan si Mang Tony sa sasakyan habang siya ay papasok sa condo ni Jude. May sarili siyang susi ng condo ng boyfriend niyang si Jude na 2 years na niyang kasintahan ganun na sila katagal.
Nagulat siya pagkakitang nagkalat ang mga damit ni Jude sa sala mula t-shirt, boxer short at brief nito pero mas nagimbal siya ng makitang may nagkalat ding damit ng babae. Nakakalat din sa sahig ang isang sexy dress, panty at bra. Biglang kinabahan si Crystal, halos manginig ang kalamnan niya sa matinding emosyon. Kung anu-ano na agad ang pumapasok at naglalaro sa isip niya. Gayun pa man tinibayan niya ang kanyang dibdib at inihanda ang sarili sa katotohanang maaaring bumulaga sa kanya. Kailangang makita ng dalawa niyang mata ang kataksilan ng boy friend niya. Kailangan niyang malaman kung sino ang babae nito.
Kahit kinakabahan at nanginginig ang mga tuhod, dahan dahan siyang lumapit papunta sa kwarto ni Jude at sa labas pa lang ay naririnig na niya ang bawat halinghing at impit na pagdaing ng dalawang taong naliligayan sa kung ano man ang ginagawa nila ng mga sandaling iyon. Nanginginig ang mga kamay at halos nagsisikip ang dibdib niyang binuksan ang pinto ng kwarto nito para lang masorpresa sa kanyang masasaksihan.
Huling huli niya ang boyfriend niya on a very intimate moment with a girl. Sobrang shocked niya ng tumambad sa kanya ang hubad na katawan ng dalawang taong nagtatalik. Nakapatong ang boyfriend niya sa babae making out with her pero mas nagimbal siya ng makilala ang katalik ni Jude walang iba kundi ang best friend niyang si Charity.
Panandalian siyang tila natulala at napahawak sa kanyang dibdib.!
Ng mapansin siya ng mga ito ay dalidali ang mga ito sa paghila sa kumot at parehong gulat na gulat na napatingin sa kanya. Siya naman ay pinilit na nagpakatatag at pinilit itago ang emosyon at dahil artista siya madali niya yung nagawa kahit ang totoo sobrang sakit na! pero siya si Crystal Montenegro anak ni General Montenegro at dating Miss universe Philippines Maja Dela Vega Montenegro. Tinuruan siya ng kanyang ama kung paano maging matapang at huwag maging iyakin dahil ang pag-iyak daw ay larawan ng kahinaan na pwedeng gamitin ng sinuman laban sa kanya para siya ay saktan.
" Crystal let me explain... " wika ni Jude ng makabawi ito sa pagkabigla ay hinawakan siya nito sa braso at tinitigan ng tila nanghihingi ng kanyang paunawa.
Mapang-usig at matalim na tingin ang iginanti niya dito.
" You two have nothing to explain anymore, cause the way I see it, already explained everything!
" Crystal please...." pagsamo ni Jude!
" Dont touch me! You deserve each other! a garbage and a garbage collector!
You can both go to hell and enjoy each other there!
I didn't expect this Charie! of all people...Why you?
You are my dear cousin and my trusted bestfriend... You fooled me! bagay nga kayo! kaya magsama kayo! the hell I care! " punong puno ng sakit at pait na sumbat niya sa kanyang bestfriend cousin.
Ang pinsan naman niya ay hindi makatingin sa kanya ng diretso. nakatungo lang ito habang nagsasalita siya.
Mabilis na kumuha si Jude ng damit sa kanyang cabinet at nagdamit habang si Charity naman ay nakabalot pa rin ang hubad na katawan sa kumot.
" Crystal please..." pigil sa kanya ni Jude ng aktong tatalikod na siya para umalis...
" Crystal lets talk! patuloy na pagsamo nito sa kanya! Crystal it's you that I love! I'm sorry! "
" Don't touch me Jude! Sinayang ko lang pala ang panahon ko sayo! dont worry malaya na kayo! Malaya na kayong magsama kahit sa impyerno! "
Galit na iwinaksi niya ang kamay na hawak ni Jude at mabilis na tumakbo palabas ng condo na yun!
Hinabol siya ni Jude hanggang sa labas.
at kinatok pa siya sa sasakyan.
" Mang Tony let's go! " utos niya si tila naguguluhan at natitigilan na si Mang Tony.
" Crystal please lets talk...." patuloy na pakiusap ni Jude.
" Ma'am? " tila nagtataka si Mang Tony kung bubuksan ba ang bintana ng kotse. Naguguluhan din ito sa nangyayari.
" Mang Tony I said let's go.." may diin na niyang utos dito.
" Yes mam! " tila naman nagulat nitong sagot na agad ng pinatakbo ang sasakyan.
Ng umaandar na ang sasakyan ay saka niya hinayaang tumulo ang luhang kanina pa niya pinipigilan.
" Mam? okay lang poh ba kayo? "
tanong ni mang Tony sa kanya na nakatingin sa kanya mula sa salamin ng sasakyan.
" Don't worry about me Mang Tony I'll be fine! "
" Mam nag-away poh ba kayo ni sir Jude? " nag-aalalang muli nitong tanong sa kanya.
" I don't want to talk about him mang Tony please..."
" Okay mam...sorry po! nag-aalala lang naman poh ako sa inyo! "
" Don't worry about me mang Tony I'll be fine! "
Walang tigil sa pagriring ang cellphone niya...tulad ng wala ring pagtigil sa pagpatak ng mga luha niya.
Si Jude ang tumatawag at ayaw niya itong makausap.
Pagdating niya ng bahay nila ay dumerecho siya ng kanyang kwarto at doon nagkulong. Laking pasalamat na lang niya at wala pa doon ang mama niya. Ang papa naman niya ay laging wala sa kanila dahil sa trabaho nito ay halos sa opisina na nito ito naglalagi at ginugugol ang panahon sa pagsisilbi sa bayan, lagi lang niyang sa phone ito nakakausap.
Patuloy siya sa pag-iyak sobrang sakit ng nararamdaman niya parang naninikip ang dibdib niya sa sobrang sakit!
of all people hindi niya akalain na ang pinsan niya pa ang aahas sa kanya. Hindi lang kasi niya ito basta pinsan lang. Charie is her best friend. Lahat ng tungkol sa kanya at sa kanila ni Jude alam nito.
Ito ang taong hinihingian niya ng advice sa tuwing mag-aaway sila ni Jude pero hindi niya alam ito pala yung taong mananakit sa kanya ng sobra.
At si Jude akala niya si Jude na ang lalake para sa kanya dahil si Jude lang ang bukod tangi sa lahat ng mga naging boyfriend niya ang nakatagal at nakaintindi sa lahat ng topak niya. Pero ito rin pala ang taong mananakit sa kanya ng sobra!